Chapter 60: Unexpected Happened

Start from the beginning
                                    

Itatayo ko na sana siya ng biglang dumating si Jin Yang na mapapansin mo sa kanyang mga mata ang kaba.

"Oh, nangyari sayo?" takang tanong ni Tian Qi

"K-kasi a-ano..."

"Wag mong sabihin nakakita ka ng multo kaya ganyan na lamang ang reaksyon mo," wika ulit ni Tian Qi

Tiningnan namin siya ng matalim.

"Jin Yang, sabihin mo sa amin. Ano ba ang nakita mo kung kaya't ganyan na lamang ang reaksyon mo," tanong ni Xian sa kanya

"S-si Qin S-sang..." putol nitong sabi

"Anong nangyari kay ate Qin Sang?" bigla kong tanong

"Baka nakita niyang walang salpot si Qin Sang habang natutulog kaya naman ganyan ang reaksyon niya," sabad ni Tian Qi

Bigla kong kinuha ang unan na nasa tabi ko sabay tapot sa kanya. Tsk, kung ano-ano ang naiisip.

"Min, bakit mo naman ako-"

"Sa susunod na magsalita ka pa na hindi maganda, vase na itatapon ko sa ulo mo," pagbabanta ko sa kanya kaya naman agad itong natahimik

"Mabalik tayo. Jin Yang, ano ba ang nakita mo sa kwarto ni Qin Sang," si Li Zi Feng na ang nagtanong

"Okay, Sasabihin ko na sainyo ang totoong nakita ko," saad nito

"Okay, spill it." sabi ko

"Wala," tipid nitong sagot

"Anong wala?" nakakunot noo kong sabi

"Wala, as in wala. Wala akong nakita Qin Sang sa kwarto. Magulo ang buong loob pero wala siya roon," saad nito na ikinaiyak ni ate Mae, kaya naman napalingon kami sa kanya.

"Mae, bakit ka umiiyak?" takang tanong ni Jin Yang sa kanya

"I'm sorry," rinig naming sabi nito

"Hah? Bakit ka nag so-sorry," taka naming tanong

"Kung hindi sana ako pumayag sa plano niya, hindi siya mawawala," saad nito habang umiiyak

Hindi namin siya maintindihan. Kaya naman agad siyang nilapitan ni kuya Xina para pakalmahin.

"Mae, ano bang pinagsasabi mo. Hindi ka namin maintindihan," wika nito sa kanya

Biglang umangat ang ulo nito. Wow, kanina no'ng kami yung nagtatanong hindi niya kami tinitingnan pero ng si kuya Xian na ang nagtanong, bigla niyang inangat ang ulo niya.

"K-kuya.." sabi nito sabay yakap kay Xian habang umiiyak

"Shh, tahan na. Nandito lang si kuya, kaya kung ano man yang problema mo nandito lang ako para pakinggan ka," pagpapatahan sa kanya ni kuya Xian. Alam ko mapapatahan siya ni Xian.

Hindi parin niya binibitawan si kuya Xian. Nakayakap parin ito. Ano ba talaga ang nangyayari sa kapatid ko. Bakit parang kinakabahan ako, kanina hindi naman.

"Okay, tama na ang yakap. Sabihin mo sa amin kung bakit ka umiiyak," mahinahong saad nito kay ate Mae

Agad naman niyang binitawan si kuya Xian at biglang nagkatitigan silang dalawa.

"I think, may mangyayaring lokohan dito," nakangiting sabad ni Tian Qi kaya naman tiningnan ko siya ng matalim. Napayuko naman ito bigla.

Wala na talaga siyang magawa. Alam naman niya na may problema si ate Mae ngayon, nagagawa pa niyang magbiro.

Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus tumingin na lamang ako kila ate na ngayon pareho silang walang kibong dalawa.

"Mae, sabihin mo na sa amin ang dahilan kung bakit ka umiiyak," panimulang tanong ni kuya Xian sa kanya. Agad naman itong napaiwas ng tingin. "Mae, i know it's a big problem. That's why, tell us. We will help you," dugtong pa nito

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now