Chapter 58: Escaped

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakababa ako ng walang ingay, nagtago ako sa itaas ng puno habang hinihintay na bumaba si Qin Sang. Nakita ko siya mula rito, pababa na sya. Nakaapak na sya sa lupa ng may biglang bumaril sa kanya.

"Shit! Anong gagawin ko? Wala pa naman akong hawak na armas," sabi ko sa sarili ko

Nakahiga siya sa lupa habang hawak ang braso nito na natamaan ng bala ng baril. Sandali, bigla akong hinawakan ni Qin sa may bewang kanina bago ako bumaba.

Kinapa ko naman ang bewang ko at doon ko nahawakan ang isang baril. Wala akong napansin na may hawak pa syang isang baril. Isa lang naman ang nakit ko na hawak nito. Wag ko munang isipin yun, kailangan kong iligtas si Qin Sang habang maaga pa. Kinuha ko ang baril na nasa bewang ko, inayos ko ang pagkaupo ko dito sa itaas ng puno at saka ko tinutok sa kalaban ang baril at agad kinalabit ang gatilyo.

"HEADSHOT!!" nakangisi kong sabi

Nang makita kong nakahiga na ang kalaban sa lupa, agad akong bumaba sa puno at tumakbo palapit kay Qin Sang. Nang makalapit na ako sa kanya, napansin kong puno ng dugo ang kanyang damit.

"Ate, are you okay?," kinakabahan kong tanong sa kanya

Tiningnan niya ako habang nakangiti.

"Good job..You kill that guy," saad nito sa akin

"Tsk, mamaya mo na ako purihin. Kailangan nating makaalis dito habang hindi pa sila nakakarating sa labas," sabi ko sa kanya

Agad ko syang inakay patayo. Ang bigat nya sobra, parang mababali ang buto ko sa kabigatan niya.

Binilisan namin ang paglalakad, dahil pakiramdam ko may sumusunod samin.

"Sorry ate Qin, pero kailangan natin tumakbo. Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya

Tumango naman ito bilang sagot.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalapit kami sa kotse nya. Isinakay ko na siya, ako ang magda-drive.

Hindi na ako nagdalawang isip, pinatakbo ko na ng mabilis ang kotse. Wala akong pakialam kung mabilis na ang patakbo ko. Ang nasa isip ko ngayon, ay makalabas kami sa lugar na ito. Habang nagmamaneho, bigla kong na alala si Elle, hindi ko siya nailigtas. Sana okay lang siya. Sana hindi siya saktan ng mga tauhan ni Yijun. Babalik ako para iligtas siya, sana hintayin niya kami.

"Aish, nakakainis!" biglang sabi ni Qin Sang

Napalingon ako sa kanya maging sa sugat nito.

"I think, we should go in the hospital," saad ko sa kanya na ikinalingon naman nito sakin

"bu shí, (No)" sagot nito gamit in Chinese language

"Wèishéme? (Why?)," tanong ko sa kanya in Chinese language

"I don't like doctors," giit nitong sabi

"Why?" taka kong tanong sa kanya

"Basta! Wag ka ng magtanong pa diyan, umuwi na tayo," sabi nito

"Ano pa nga ba ang magagawa ko, ikaw na mismo nagsabi na ayaw mong pumunta ng hospital. Okay fine, pero wag ko lang malaman-laman na umiiyak ka mamaya dahil sa sakit," pananakot ko sa kanya na ikinasama ng tingin nito sakin

Alam ko kasi kung paano sya mapapayag.

"Fine! Deritso mo ng hospital," saad nito

Oh 'di ba, napapayag ko siya.

Agad ko naman pinatakbo ng mabilis ang sasakyan papuntang hospital. Doon ko siya dadalhin sa hospital namin, ligtas doon.

"Akala ko may malapit na hospital dito, bakit parang ang tagal natin makarating?" puno ng pagtatakang sabi ni Qin sa'kin

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon