Chapter 57: The Real Matermind

Start from the beginning
                                    

Taks, takot naman pala sya.

"Kailangan na nating makalabas dito. Nahanap ko na ang ipinunta ko dito," saad ko sa kanya

"Sa tingin ko mahihirapan tayong makalabas dito," sagot nito

"Bakit naman?"

"Kanina kasi, napansin ko na naglagay sila ng bantay sa dinaanan mo kanina," sagot nito na ikinabago ng ekspresyon ko

"Madali lang yan," malamig na sabi ko

"Anong madali sayo. Si Justine ang nakabantay sa labas, kaya paano mo nasasabi na madali lang makalabas huh," pataray nitong sabi

Tiningnan ko si Elle sa kanyang mga mata.

"Elle, kaya mo bang lumabas mag-isa dito?," bigla kong tanong na ikinagulat naman ni Feng Yan

"Qin Sang, anong binabalak mo?," tanong nito na may halong kaba sa kanyang boses

Hindi ko sya pinansin.

"Elle, ibibigay ko sayo ang dagger, shuriken at itong isang baril na dala ko. Alam kong kaya mong makipaglaban, hindi ba tinuruan ka ni Mae?," sabi ko sa kanya

"Opo, pero paano kayo?" tanong nito

Nginitian ko sya ng matamis.

"Kaya namin silang talunin. Basta, tumakas kapag narinig mo ang putok ng baril. Sa bintana ka dumaan, walang bantay dahil papasok silang lahat sa loob," saad ko sa kanya na ikinatango naman nito

"Mag-iingat po kayo ate," saad nito

"Oo, pero kapag hindi kami makarating mamayang gabi, alam mo ba ang ibig sabihin no'n." turan ko sa kanya

"A-ate.."

"Lalabas na kami, alam mo na ang gagawin mo,"

Tumangi ito bilang sagot.

"Fang Yan, tara. Kunin natin ang atensyon nilang lahat," bigla kong hila sa kanya palabas ng kwarto

"Sigurado ka ba sa plano mo?," bigla nitong tanong ng makalabas na kami

"We don't have a choice. Kailangan nating iligtas si Elle sa kamay ng mga demonyong 'yon," giit kong sabi

"Sinabi mo eh."

"Kaya let's go. We need to finished this mission before it's to late," saad ko kanya

Tumakbo na kami papuntang hagdanan. Bababa na sana ako ng bigla akong harangang ni Feng Yan.

"Bakit ka humarang sa dinadaanan ko?" taka kong tanong sa kanya

"I have a plan," sagot nito na ikinakunot noo ko naman

"Hindi ba ang plano natin lusubin sila," sabi ko

"May naisip ako. Ako ang bababa sa sala, ikaw naman aakyat sa kisame. Doon, alam muna ang gagawin mo." paliwanag nito sakin

Sa tingin ko maganda ang plano nya, kaya lang baka patayin sya ng kapatid nya.

"Maganda sana plano mo, kaya lang-" bigla nya pinutol ang sasabihin ko

"Kaya lang baka patayin ako ng demonyo kong kapatid. Wag kang mag-alala hindi nya magagawa 'yon." dugtong nito

"Paano ka naman nakakasigurado?"

"Hindi nya kayang patayin ang nagiisang kapatid nya. Pero ako kaya ko siyang patayin kung gugustuhin ko," seryoso nitong sabi

"Iba ka talaga Feng Yan. Kaya naging kaibigan kita eh. Kahit kadugo mo kaya mong santuhin para lang sa kaayusan ng lahat."

"Tsk, tama na ang sat-sat. Wala na tayong oras, baka patayin na nila ang dalawang Mafia Heiress," wika nito

"Sige, ikaw na bahala," sabi ko sabay akyat sa itaas ng kisame

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now