Chapter 54: Unknown Guy

Start from the beginning
                                    

Tiningnan naman siya ng binata sa kanyang mga mata.

"Ano naman iyon? Ginto, diyamante—." Hindi na siya pinatapos sa kanyang sasabihin

"I want a girl." Tipid nitong sagot sabay tapon ng isang litrato sa harapan nya

Agad naman nya itong kinuha at pinagmasdan ng mabuti.

"She's beautiful. But, a teenage girl. Matanda ka na uncle Zeke, bakit bata pa ang gusto mong ikama. Kawawa naman ang batang yan, wala pang kamuwang-muwang sa mundo." Saad nito na may biro sa kanyang boses

"Sa tingin mo ang gusto ko sa batang yan ay sex.?" Hindi makapaniwalang tanong ng matanda sa kanya

"Bakit hindi? Yan ang gawain mo hindi ba.? Kaya naman maraming mga dalaga ang pinapakidnap mo upang ipasok sa club na pagmamay-ari mo. Kaya ano pa ang papasok sa isipan ko." Lokong sagot nito

"Itikom mo yang bibig mo. Walang nakakaalam ng ibang transaction ko. Kaya kung ayaw mong masira lahat ng pinaghirapan natin, just shut your mouth."

"Okay, sabi mo eh."

"Now, can you help me.?" Muling tanong ng matanda sa kanya

Bago ito sumagot, muli niyang tiningnan ang litrato. Nagagandahan siya sa dalaga, kaya lang natitipuhan ng tiyuhin niya ito.

"What do you want to her.?" Sarkastiko nitong tanong

"Ang yaman na meron siya." Sagot ng matanda na ikinalaki ng mga mata nito.

Don't tell me. This girl is the—." Hindi na siya pinatapos ng matanda sa kanyang sasabihin

"Tama ka. Siya ang natitirang anak ng pamilyang Kang. Ang anak ng kapatid ng ina ng pinakamamahal mo. Should i sag, her cousin." Diin nitong sabi na nagpagulat lalo sa kanya

"Kung ganon, this girl is Mae's cousin. What a coincidence." Mangha nitong sabi. Napangiti na lamang ang binata dahil sa hindi nya inaasahan na ang dalagang gustong ipakuha sa kanya ay pinsan pala ng taong minahal niya na ngayon kaaway na nito.

"Ano, payag ka na ba mahal kong pamangkin. Hindi ba nais mong maghinganti sa kay Mae, ito na ang tamang oras para gawin yun. I'm sure, masasaktan siya ng sobra kapag nalaman niya na ang taong kukuha sa pinsan niya ay ikaw." Malademonyong sabi ng matanda dito

Napatayo ang binata at agad nagtungo ng kitchen upang kumuha ng alak.

"Hindi ko akalain na mahilig ka ng uminom ng alak. Sa pagkakatanda ko, hindi ka pala inom. Bakit ngayon, halos isang bote kulang pa sayo." Hindi makapaniwalang sabi ng matanda sa kanya

"Dahil nandoon pa si Mae sa tabi ko. But now, she's gone. Wala ng Mae Han ang pipigil sa mga gusto ko. I can do whatever i want. Kahit nga pagpatay kaya ko ng gawin." Saad nito na may halong demonyo sa kanyang boses

"That's my niece. Kaya naman gawin mo sa madaling panahon ang ipinag-uutos ko." Wika ng matanda sa kanya

"Gusto mo bukas gawin ko na." Nakangisi nitong sagot

"Wag! Wag muna bukas. Hayaan muna natin silang magsaya." Sabi ng matanda

"Hahaha, ikaw talaga uncle hindi na mabiro. Alam ko naman, sa makalawa ko gagawin ang ipinaguutos niyo. First, let them enjoy their day. Let them feel the happiness and next the pain." Walang emosyon nitong sabi

"Okay, maiwan muna kita dito. May gagawin pa kasi ako ngayon, alam mo na business." Sabi ng matanda

"Yah, i know. Just be careful." Wika nito

Umalis na ito at agad sumakay sa kotse.

Lumabas ang binata sa kitchen at naglalakad patungong hardin. Umupo siya malapit sa malaking puno at humiga.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now