Chapter 51: Shocked

Start from the beginning
                                    

"Tsk, nakakalimutan mo yata na substitute ka lang hindi ka tunay na miyembro ng QLX." Mapang-asar na sabi nito kay Tian Qi

"Alam mo ang sama mo talaga."

"Tsk, matagal na. Ngayon mo palang ba nalaman.?"

"Aba't—."

"Tama na yan. Wala ka ng magagawa Min kung nandito na siya. Sa totoo lang kailangan natin siya ngayon." Sabat ni Xu Li Xian dito

"Tsk, okay fine. Wala naman na talaga ako magagawa. Nandito na siya, alangan naman pauwiin ko siya." Sabi ni Min

"Good."

"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob. Masakit na paa ko, kanina pa kasi tayo nakatayo dito." Biglang reklamo ni ate Qin Sang

"Mabuti pa nga ate Qin Sang." Pagsang-ayon naman ni Min sa kanya kaya naman naglakad na kami patungong sala. Walang katao-tao, nasa pool yata maging sila kuya Tyler at Ace.

"Wow! Hindi parin talaga nagbabago ang mansion ng mga Han. Ang ganda at ang laki parin." Hangang sabi ni Li Zi Feng

"Alam niyo naman na ang pamilyang Han ang pinakamayaman sa buong mundo. Hawak kaya nila ang iba't ibang kompanya sa buong mundo. Mapa mall man o hotel." Wika naman ni Jin Yang

"Mabuti naman at nagsalita ka na rin kuya Yang. Akala ko hanggang bukas mo pa hindi bubuksan yang bibig mo." Mapang-birong sabi ni Min sa kanya

"Tsk, sadyang wala lang talaga akong masabi kanina." Sagot nito sabay upo sa sofa

"By the way. Hindi Min ang itawag niyo sa kanya. Just call her Nathalie." Sabi ko na ikinakunot noo naman nila

"Why?" Qin Sang asked

"Iyan kasi ang alam ng mga kasama namin dito. Kaya please sumunod na lang kayo. Just call her Nathalie not Min." Sabi ko

"Okay." Sabay sabay nilang sagot

"Good."

"Sandali lang huh. May pupuntahan muna ako." Biglang singit ni Elle

"At saan naman.?" Mataray na tanong ni Min sa kanya

"Edi sa kwarto ko saan pa?. Hindi naman ako pwedeng lumabas." Sagot nito

"Akala ko kung saan. Sige na umakyat ka na ng room mo." Wika nito ulit

"Okay, bye."

Umalis na ito upang umakyat ng room niya.

"Mabalik ko lang. Bakit hindi niyo pinalitan ang name ng group.?" Wika ni Min sa kanila

"Ah yun ba? Bakit QLX parin ang name ng group?. Kasi sabi ni Xian, kung papalitan pa daw namin mahihirapan na kaming mag-isip. Beside, yun na din ang kinasanayan ng mga supporters and fans namin." Sagot ni Jin Yang

"Ah ganon ba?. Sabagay may punto din naman kayo. Kung papalitan pa kasi baka mahirapan ang mga fans ninyo." Wika naman ni Min

"Kaya nga hindi na namin pinalitan. Beside, yung dating leader namin ang gumawa ng name na yun. Kaya naman ayaw na naming palitan. Alaala na lang namin sa kanya yun." Wika nito na ikinalingon sakin ni Min

"Kung ganon, hindi parin ninyo nakakalimutan ang dating leader ninyo.?" Makahulugan nitong tanong

"Oo naman. Kahit may bago na kaming leader, hindi parin namin siya makakalimutan. Siya kaya ang nagturo samin kung paano maglaro at maging matapang na mafia royalties." Si Li Si Feng na ang sumagot

Patago akong ngumiti. Hindi ko akalain na hindi nila ako makakalimutan kahit nasaktan sila sa pag-alis ko sa grupo dahil sa isang desisyon na kailangan kong gawin. Tiningnan ko si Xian at Qin Sang, magkatabi silang nakaupo. Tahimik lang si Xian habang si Qin Sang naman nakahawak sa braso ni Xian. Masaya ako para sa kanila kahit alam kong nasasaktan parin ako ngayon. Wala akong magagawa, hindi kami pwede sa isa't isa.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now