Chapter 49: The Truth

Start from the beginning
                                    

"What?.. K-kaibigan? Sigurado ka ba diyan Mae.?" Gulat na sabi nilang lahat

"Kung ayaw ninyong maniwala, okay fine. Besides, wala naman kayong pakialam sa amin." Giit kong sabi na ikinatahimik nilang lahat

"Miss Han. Dalhin na po namin siya sa guest room." Wika ni Kevin kaya naman tumango ako bilang sagot.

Naglakad na ako patungong swimming pool.

Palapit na ako ng palapit sa aking pupuntahan ng may narinig akong boses. Kaya naman agad akong tumakbo patungo doon at nagtago. Sumilip ako ng konti.

"Oo, walang problema. Basta ayusin mo ang lahat. Ayokong magkaroon ng mali." Rinig kong sabi nito sa kabilang linya.

Sino naman kaya ang kausap niya.?

"Kuya Hyun, sana walang pumalpak sa gagawin natin." Wika pa nito. Hyun? Sinong Hyun.?

Nakinig lang ako, gusto kong malaman kung anong pinaguusapan nila.

"Mag-iingat ka kuya. Alam kong may alam na si Mae. Gusto ko sana hindi pa niya malaman ang totoo. Lalo na't hindi pa natin sigurado ang kaligtasan nilang tatlo ni Min at Elle." Saad nito

Sino ba talaga ang kausap niya?.

"Kuya, siguraduhin mong malinis ang lahat. Wala dapat makaalam na may apat na lalaki na anak ang pamilyang Han. Gusto ko protektahan sila Mae ng pa-sekreto." Rinig kong sabi nito sa kabilang linya

Kung ganon isa sa kapatid namin ang kausap niya. Bigla akong nagtago sa puno dahil may naapakan akong nakakuha ng atensyon nito.

"Who's there.?" Rinig kong sabi nito

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sana hindi niya ako makita.

Nang marinig ko yapak ng mga paa nito na papalapit sa akin ng may biglang sumigaw.

"Tyler!" Sigaw sa pangalan ni

"Ano yun.?" Sagot nito

"May ipapakita ako sayo."

"Sige, susunod na ako." Sagot nito ulit

Naglakad na ito paalis at doon na ako lumabas sa kinatataguan ko.

Muntikan na yun.

"Mae." Biglang tawag sa pangalan ko kaya naman lumingon ako sa kanya

Tiningnan ko siya ng nagtatanong look.

"B-bakit ka nandito?." Tanong nito

Lumingon muna ako sa ibang deriksyon.

"Hmm..wala." Sagot ko na ikinataka naman nito

"Wala?" Takang tanong nito

"Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin, bago ako matulog. Bakit hindi ba pwede yun.?" Sagot ko habang nakataas ang kanang kilay ko.

"Ah..eh..h-hindi naman sa ganon Mae. Sadyang nagtataka lang ako. Kasi dapat sa ganitong oras tulog ka na. At dito din nanggaling si Tyler." Wika nito habang kinakabahan

Naglalakad ako papalapit sa kanya.

"Alam mo Mecca, wala ka ng pakialam kung anong ginagawa ko. Mind on your own business not mine." Malamig kong sabi sabay lakad papasok ng bahay. Iniwan ko siyang doon. Hindi ko alam na pakialamera na pala siya.

Malapit na ako sa pintuan papasok ng bahay ng mapansin kong maingay sila sa loob. Bakit kaya?. Mabuti pa alamin ko. Nang nasa pinto na ako, nakita ko silang nakatingin sa deriksyon papuntang guest room kaya naman tiningnan ko din ito. Nandoon si Tyler kausap si Ace. Tsk, yun lang pala. Bakit ganito sila kung makatingin. Mabuti pa umakyat na ako ng kwarto, dahil antok na ako.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now