Chapter 46: Wayne Xiao

Começar do início
                                    

"Sino naman sila?" Rinig kong sabi nito

Bigla kong isinara ang loptop ko at agad napatayo.

"Bakit ka tumayo? Hindi ka pa malakas." Sabi ko

"Nakakabagot kayang humiga. I want to home." Saad nito

Hinawakan ko ang dalawa nitong kamay.

"Hindi pa sa ngayon. Hindi ka pa okay."

"Ate, gusto ko sa bahay magpahinga. Ayoko dito sa hospital."

"Hayst! Okay fine, i will talk to your doctor, kung pwede iuwi na kita at doon na lamang ipagpatuloy ang pagpapahinga." Sabi ko

"Thank ate. Ayoko ng may benda ang ulo ko. Gusto ko ng alisin ito."

"Diyaan tayo magkakaroon ng problema. Hindi mo pwedeng alisin ang benda na yan hangga't hindi pa sinasabi ng doctor mo. Aalisin lang kung papalitan."

"Eh ate!."

"Kung ganiyan ka hindi tayo uuwi. Dito lang tayo sa hospital hanggang sa gumaling ka na."

"Tsk, okay fine!. Hindi ko na aalisin basta makauwi na ako bahay."

Napangiti na lamang ako sa inakto nito.

"Sige na bumalik ka na sa higaan mo."

"Pwede ba dito na muna ako sa tabi mo. Gusto ko makita ang ginagawa mo. Please ate Mae." Pagmamakaawa nito

Kapag pumayag ako, baka makilala niya ang mga students na kasama ngayon nila Cloud. Baka doon bumalik bigla ang mga ala-ala niya.

"A-ano kasi—."

"Sige na ate Mae. Hindi naman kita guguluhin, manonood lang ako sayo. Ayoko na kasing mahiga, masakit sa likod." Pangungulit nito

"Okay fine, but make sure you won't disturb me."

"Yes ate, thank you." Bigla niya akong niyakap.

Biglang bumago ang ugali niya. Kanina parang nakakatakot ngayon naman parang bata. Hindi kaya pareho sila ni Min ng ugali? Pabago-bago.

Agad kong binuksan ang loptop at doon nagsimula ng tingnan ang mga files ng mga bagong transferee.

"Wow! Huh! Hindi ko akalain na high class pala ang school natin." Hindi makapaniwala nitong sabi

"Tsk, syempre. Mayaman kaya ang pamilya natin. Kaya naman high class ang lahat ng pagmamay-ari natin."

"Kung may na aalala sana ako. Baka natulungan kita sa trabaho mo." Mahina nitong sabi

"Hindi mo na kailangang tulungan ako. Kaya ko naman gawin ito ng mag-isa." Sabi ko habang nagtatype sa laptop.

Habang nagtatype ako, biglang may nagsend sakin ng email. Kaya naman agad ko itong tiningnan. Isa itong profiles ng isang mga studyante.

"Hindi ko akalain na marami palang nagt-transfer sa university." Ani nito

Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus itinuon ko ang aking mga mata sa mga profiles ng mga bagong transferee. Familiar ang mga pagmumukha nila lalo na ang isang 'to.

"Wayne Xiao, a Chinese boy. But, for me he's not a Chinese." Rinig kong sabi ni Elle na ikinalingon ko naman

"What do you mean?" Taka kong tanong

"Look at he's face. He's not a typical Chinese. Sa palagay ko fake ang profiles nilang lahat. Kasi naman kilala ko ang pagmumukha ng mga Chinese at base in  my observation they are not a real Chinese." Paliwanag nito na ikinatingin ko naman sa mga mukha nila

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora