Chapter 45: Elle's Identity

Start from the beginning
                                    

"What is it sweetie.?"

"May kilala po ba kayong Elle?" Tanong ko na ikinagulat nito maging si Frank

"Sinong Elle ba ang tinutukoy mo?" Napansin kong kinakabahan si tita

"Ahm, hindi nabanggit sakin ni Min kung anong last name niya. Pero ang sabi ni Min sakin, namatay daw parents niya ten years ago. Pinasok daw bahay nila at pinagbabaril ang lahat ng bodyguards na meron sila at maging ang parents nito. Kagaya din sa nangyari samin ten years ago." Paglalahad ko sa kanila na ikinaupo nito

"Tita, are you o-okay?" Kinakabahan kong tanong

"Frank, bring my bag here." Utos nito kay Frank, kaya agad namang sinunod siya nito

"Here mom."

"May kilala kaming Elle, but we thought she died ten years ago." Saad nito habang may kinukuha sa bag

"Mom, ano po ba ang hinahanap niyo.?" Tanong ni Frank

"Nakita ko na, this is Elle picture with her mom." Sabi nito sabay bigay sakin ng litrato

Kinuha ko naman ito at tiningnan. Nagulat ako sa aking nakita. This is Elle and tita Catherine—my mom sister.

"Is this Elle? I thought tita Catherine does not have a daughter?" Gulat kong sabi sa kanila

"Oo, yun ang alam ng lahat. Ginustong itago nila Catherine at ng kanyang asawa na meron silang anak dahil batid nila kapag nalaman nilang may anak sila tiyak na papatayin ito. Maging kami ng parents niyo sumangayon sa desisyon nila. Kaya naman hindi nakakalabas si Elle sa kanilang bahay, pero..." Hindi nito natuloy ang kanyang sasabihin ng biglang tumunog ang phone ko.

My sister is calling.

"Yes, hello." Bati ko sa kanya

"Mae, are you still busy?" Tanong nito

"Why?" Taka ko namang tanong

"Something happen here. Pwede ka ba pumunta?" Mahinahon nitong sabi

Kinabahan naman ako sa sinabi nito.

"Ano? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko

"May gustong pumatay kay Elle, pinasok ang room niya, muntikan na siyang maalisan ng oxygen. Salamat at dumating ako." Sabi nito na may halong kaba. Kaya naman agad kong kinuha ang bag ko.

"I'm on my way. Wag mong iiwan ng mag-isa si Elle." Sabi ko

"Oo, bilisan mo lang huh."

"Sige. Hintayin mo na lang ako." Wika ko sabay end ng call.

"Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Frank

"I'm sorry tita but i have to go. Kayo na po muna bahala sa school. Kapag may nangyari tawagan niyo po muna ako." Bilin ko sa kanila

"O-okay sweetie, kami na bahala sa school."

"Sige po alis na po ako. Hinihintay na ako ni Min, sa susunod niyo na lang po ituloy ang kwento. " sabi ko sabay takbo palabas ng office. Dumaan ako sa short cut papauntang parking lot. Nakita ko pa nga sila Cloud kasama ang mga transferee. Huminto muna ako saglit at tiningnan sila ng matalim.

"Mae! Saan ka pupunta?" Bigkang tanong ni Mecca sakin

"May klase pa kayo. Pumasok na kayo baka madagdagan pa ang punishment ninyong lahat." Malamig kong turan sa kanila

"Tsk, wala naman kaming pakialam sa punishment ninyo eh. Tiyaka ikaw saan ka naman pupunta? Hindi ba dapat papasok ka din ngayon.?" Sabat naman ng leader ng mga higad

"None of your business." Malamig kong sagot

"Mae, saan ka ba pupunta? Hindi ba may klase pa tayo?" Si Cindy na ang nagtanong

"Alam ninyo sa kakatanong niyong yan mahuhuli na kayo sa klase. Tiyaka wala na kayong pakialam kung saan ako pupunta ng oras na ito."

"Ang principal ng school hindi papasok ngayon. Kaya naman pala hindi sumusunod sayo ang ibang students dahil isa ka sa dahilan sa paglabag ng rules." Wika ng higad

"Kayo? Hindi ba kayo papasok? Gusto niyo ba magkita tayo ulit sa detention office." Wika ng baritonong boses kaya naman napalingon kami kung saan nanggaling yun.

"Tsk, as if naman matakot mo kami." Matapang na sagot ng reyna ng mga higad

"Mae, bakit nandito ka pa? Hindi ba pupuntahan mo sila Nathalie ngayon.?" Tanong nito sakin

"Ah oo." Sagot ko

"Eh, bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong nito ulit

"Kasi sila eh.." Turo ko sa kanila kaya naman nagulat silang lahat sa ginawa ko

"Anong ginawa nila sayo?" Tanong nito

"Hinarang nila ako, kaya naman hindi ako makaalis." Pagsisinungaling ko kaya naman gulat na gulat sila lalo na si Cloud, sa tingin nila hindi ko kayang magsinungaling. Pwes, kung yan ang paraan para ipakita sa kanila ang tunay kong pagkatao. Humanda na sila, simula palang ito.

"All of you.. Meet me in principal office." Rinig kong sabi nito sa kanila ng makapasok na ako sa kotse.

Wait me Min, nandiyan na si Ate.

Nang makarating ako sa hospital pumunta ako sa room kung saan nakaassign si Elle, subalit walang tao roon kaya naman nagtanong ako sa ilang nurse na nakikita ko. Tinuro nila ang bagong room ni Elle. Tumakbo ako papunta roon. Nang nasa tapat na ako ng silid, agad kong binuksan ang pinto at pumasok na walang pangamba kaya lang napasigaw ako ng makita ko si Min.

(𝙴𝚗𝚍 𝚘𝚏 𝙵𝚕𝚊𝚜𝚑𝚋𝚊𝚌𝚔....)

Tumayo ako at naglakad sa papuntang window, tiningnan ko ang labas ng hospital. Tahimik walang makikitang kahina-hinala. Naalala ko nadala ko pala ang litrato na pinakita sakin ni tita Cynthia. Ang ganda talaga ni tita Catherine, masasabi mo talagang anak niya si Elle, dahil sa ganda nitong tinataglay. Kung pinsan namin siya, kailangan kong ipagpatuloy ang plano. Kapatid namin siya yun ang ipapaalam namin sa kanila. Humanda ka Zeke, binuhay mo muli ang pait, hinagpit at galit sa puso ko ngayon. Balak ko na sanang itigil ang lahat ng plano ko, kaya lang bumalik ka. Siguro, gusto talaga ng maykapal na ipaghiganti ko ang pagkamatay ng lahat na pinakamamahal namin. Ngayon si Min nakahiga sa kanyang bed. Maging siya nadamay sa kalokohan niya.

Gusto niya bang makipaglaro sakin? Pwes, makikipaglaro ako. Tiningnan na lang natin kung sino ang matitira sa aming dalawa. Siya o Ako.

"Nasaan ako?" Bigla akong napalingon sa taong nagsalita

"E-elle?"

💕💕END OF CHAPTER 45💕💕
Next chapter will be posted soon.
Sorry for typographical and grammatical errors.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now