"Ano yan anak?" Tanong ni Isabel.

"A karaoke party." Sagot ni Link.

"Ahhh!!! Game! Game! Game!" Sambit nilang lahat bago nila buksan yung karaoke.

"Sakto, dalawa yung mic!" Sambit ni Demyx na ikinatuwa nilang lahat.

"Falco, sure akong paborito mo to." Sambit ni Brooklyn bago niya pinindot yung numbers at pinakita yung kanta sa screen."

"Tatlong Bente Singko?!" Sabay na sambit ni Falco at Arianna.

"Mukhang may duet na magaganap ah!" Tukso ni Ino kina Falco at Arianna.

"Okay lang ba sayo Arianna?" Bulong ni Falco.

"Sige. Game." Pagpayag ni Arianna bago nila hawakan yung mic.

"Let's get this party started!" Sambit ni Link bago niya i-play yung music.

Tatlong Bente Singko

(Falco)
Tatlong bente singko lang ang aking kailangan
Upang makausap ka kahit sandali lang

(Arianna)
Tatlong bente singko lang ang aking kailangan
Para nasa langit na ako

(Falco)
Sige na ale, papalit ng barya
Sige na please naman ale miss na miss ko na siya

"Whoo!!!! Lezgo!!" Paghiyaw nilang lahat na ikina-ngiti nila ng onti.

(Falco)
Tatlong bente singko lang ang aking kailangan
Upang makausap ka kahit sandali lang

(Arianna)
Tatlong bente singko sa isang araw
Tatlong beses ko ring maririnig sa yong mga labi ang

(Falco)
Mahal kita

(Arianna)
Mahal kita

(Falco)
Wala ng iba

(Arianna)
Wala ng iba, wooh

(Falco)
Mahal kita

(Arianna)
Mahal kita

(Falco)
Wala ng iba

(Arianna)
Wooh

(Both)
Sige na ale, papalit ng barya
Sige na please naman ale miss na miss ko na siya

"Okay na po. Nahihiya na ako." Nahihiyang sambit ni Falco bago ibaba yung microphone.

"Okay na yan anak. Mahalaga, pinakilig mi yung future honey mo." Tukso ni Levi bago sila nagkatinginan.

Arianna's POV

"Okay na yan anak. Mahalaga, pinakilig mo yung future honey mo." Tukso ni Tito Levi bago kami magkatitigan ni Falco.

"Wow! For the first time Kuya, narinig ko mismo sa bibig mo yung nahihiya ako!" Pagbara ni Annie bago nagtawanan ang lahat.

"Excuse me po." Sambit ko bago  lumabas sa resort.

Nang makalabas ako, napabuntong hininga na lang ako at naramdaman ko lang yung pisnge ko na nag iinit na.

Jusmiyo okay na sana mga kaibigan ko yung tumutukso saamin ni Falco eh! Dumagdag pa si Tito Levi pati mga kaibigan niya!

"Andito ka lang pala."

"Ay palaka ka! Nakakagulat ka naman oh!" Singhal ko bago umirap.

"Namumula ka."

"Ang init kasi eh!"

"Naiinitan ka ba o kinikilig ka?"

"Sinabi ko na kanina diba?! Naiinitan ako!" Pagbara ko na ikinatuwa niya.

"Oh ano nanaman yang tinatawanan mo?!"

"Nahihiya ka ba kay Dad?" Tanong niya.

"Huh? Hindi ah!" Pagpalusot ko.

"Alam mo Arianna, wag ka na mahiya kay Dad. Ganun talaga siya pag may bagay na nagpapasaya saakin." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

Napalingon ako sakanya at tinignan ko lang siya ng maigi na nakangiti pa ito saakin.

"So... suportado si Tito Levi sa relasyon natin?"

"Mula nung pumunta ka dito, alam niya na magiging masaya ako. Alam ni Dad na ikaw talaga yung para saakin."

Napaiwas na lang ulit ako ng tingin sakanya at hinawakan ko ulit yung mukha ko.

"Namumula ka talaga." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Falco... ewan ko lang kung bakit di ako makalusot pag may tinatago ako sayo." Sabi ko na nakatingin sakanya.

"Pero I love how you effortlessly put smiles on my face." Dagdag ko na ikina-ngiti niya.

"Ganun ba talaga kadali sayo magpakilig ng taong gusto mo? Sa dami daming babaeng lumalapit sayo, ako talaga yung babaeng pinili mo. Bakit?" Tanong ko.

"Out of all the girls I met, you're the only girl who caught my attention."

"And out of all the boys I met, you're the only boy who effortlessly made me fall for you." Sambit ko na ikina-ngiti niya ng sobrang laki to the point na namumula na yung buong mukha niya.

First time ko to nakita kay Falco ah. Yung kinilig lang dahil sa mga sinasabi ko.

"Alam mo Falco..." Paggapang ng mga kamay ko papunta sa batok niya at linapit yung mukha niya sa mukha ko.

"Napaka swerte siguro ng future honey mo na ikaw magiging asawa niya. Ay, ako pala tinutukoy mong future honey ko. Kaya wag kang mag alala, sisiguraduhin ko sayo na ako talaga ang honey mo." Sambit ko bago ko siya kindatan.

Halata na wala nang masabi si Falco sa sinabi ko. Ang sarap lang tignan na ganun si Falco pag ako na yung bumabanat sakanya.

"Pasok na tayo. Baka hinihin---"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Falco nang dampiin ko yung labi ko sa labi niya bago kami maghalikan.

Family WarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora