Chapter 44: Zeke is alive?

En başından başla
                                    

"What the hell are you doing.?" Malamig kong turan dito dahilan ng paghinto nito sa kanyang gagawin.

"Sino nagutos sayo.?" Muli kong tanong kaya naman agad siyang humarap sakin kaya lang nagulat ako sa aking nakita.

"B-buhay k-ka?" Utal kong tanong

Tiningnan niya ako ng nakakaloko. Waring masaya siya sa nakikita niya ngayon.

"Nagulat yata kita Nathalie, i mean Min Shin Han." Malamig nitong sabi

"I thought your already dead." Sabi ko na may halong pagtataka

"Iyon ang alam ninyo. Sa tingin mo ba mamamatay ako ng ganon-ganon na lang. Masamang damo ako Min, hindi ako basta mawawala sa mundong ito."

"A-anong ginagawa mo dito?" Nakatutok parin sa kanya ang aking baril. Hindi dapat ako matakot sa kanya, sino siya para katakutan.

"Hindi ko alam na buhay pa pala si Elle. Akala ko matagal na siyang patay salamat sa source ko nalaman ko na buhay pa siya. Kung bakit kasi hindi na tinuluyan ng mga studyante na yun ang batang 'to, edi sana hindi ko na sya papatayin."

"Sabihin mo, inutusan mo ba ang mga studyante na yun na gawin ito kay Elle?" Mahinahon kong tanong. Nagpipigil lamang ako ng aking galit.

"Paano kung oo, anong gagawin mo?" Sagot nito, agad kong kinasa ang aking baril at kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng biglang may taong pumasok sa loob at pinagbabaril ang buong kwarto. Shit! Si Elle. Agad akong tumakbo sa kanya.

"Hindi ko muna siya papatayin ngayon. Pero sa oras na makita ko siyang muli, bala ng baril ang tatagos sa katawan niya." Rinig kong sabi nito bago lumabas ng kwarto. Tumayo ako bigla at agad silang sinundan. Pero, huli na ako. Nakaalis na sila.

"Ma'am." Tawag sakin ng isang nurse. Tiningnan ko siya ng mabuti, baka tauhan pa siya ng taong yun.

"Kailangan ng bagong kwarto ng kapatid ko." Sabi ko sa kanya

"Sige po, aayusin ko. Maghintay na muna po kayo." Wika nito

Tumango na lamang ako bilang sagot.

Tiningnan ko si Elle, mahimbing paring natutulog. Mabuti naman at hindi siya natamaan ng bala.

"Aray!" Hiyaw kong sabi, hindi ko akalain na madadaplisan ako sa may tiyan.

(Knocking at the door..)

"Come in."

"Ma'am, ayos na po ang kwarto ng kapatid ninyo. Pwede na po natin siyang ilipat." Saad nito, tumayo ako at agad sinundan sila.

Nandito na kami sa loob ng bagong kwarto. Siguro naman safe dito.

"Sige po miss Han. Maiwan po muna namin kayo. Kung may kailangan po kayo, wag po kayong magatubli na tawagan kami sa labas." Saad nito

Tumayo ako. "May pabor sana ako." Sabi ko

"Ano po iyon?"

"Kung maaari sana, kapag may nagtanong tungkol sa kapatid ko. Sabihin niyo nakalabas na siya. Baka kasi bumalik ang mga yun."

"Wag po kayong mag-alaala ma'am, gagawin po namin ang iniutos niyo. Besides, kayo po ang may-ari ng hospital na'to. Kaya tungkulin naming sundin ang anumang pinag-uutos ninyo." Saad nito

Nginitian ko siya. "Salamat Gina. Maaasahan ka talaga."

"Walang anuman po. Sige po, maiwan ko po muna kayo. May titingnan pa po kasi akong pasyente." Aniya

"Sige." Tuluyan na siyang lumabas

Hindi nagtatagal pahapdi ng pahapdi ang sugat ko pero kaya ko pa naman. Ayokong pagamutin ito.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin