Everyday in our lives, laging naglayas si Dad sa bahay namin kaya kami lang ni Mom ang naiiwan.

Masaya ang samahan namin ni Mom sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama. Akala ko noon masaya kami kahit simple lang ang buhay namin at kumpleto ang pamilya namin, pero diyan ako nagkamali nung nakauwi si Daddy.

"Zaiden!!" Sigaw ni Dad nang makapasok siya sa bahay.

"Anak, ako nang bahala sa Daddy mo." Sambit ni Mom na ikinatango ko.

Lumapit na agad si Mom kay Dad at linapag niya sa table yung pagkain niya.

"Asaan si Zaiden?" Tanong ni Dad.

"Eto po ako Dad." Paglapit ko sakanya.

"Diba sinasabi ko sayo ikaw ang magbibigay at magluluto ng pagkain ko pagdating dito? Ha?"

"Dad, tinulungan lang naman po ako ni Mom ng onti sa pagluto ng pagkain niyo."

"THAT'S NOT EVEN AN EXCUSE!" Sigaw ni Dad kasabay ng paghampas ng lamesa niya bago tumayo.

"Raiden, natatakot na yung anak mo. Uminahon ka lang." Pag awat ni Mom.

"Diba pag sinabi kong ikaw ang gumawa, ikaw?" Pagkwelyo niya saakin habang nanginginig ako sa takot.

"Dad..." Pagpigil ko ng pagbagsak ng luha.

"Wag kang mag iinarte diyan! Hindi ako natutuwa sa pag iinarte mo!"

"Raiden naman, natatakot na si Zaiden! Tama na!" Pag awat ni Mom.

"Manahimik ka! Dinidisiplina ko yang si Zaiden para matuto!" Sigaw ni Dad.

"Dad... tama na po. Natatakot na ako." Pagbagsak ng luha sa mata ko.

"Takot?!" Inis na sambit ni Dad bago ako suntukin sa mukha.

"Raiden ano ba?!" Sigaw ni Mom bago niya sampalin si Dad.

"Anong klaseng pagdidisiplina yan?! Sinasaktan mo lang si Zaiden! Tinatakot mo siya lalo!" Sigaw niya.

"Wag ka ngang mangialam sa mga kinikilos ko!"

"Ganun ba magdisiplina ang mga ama?! Nanununtok?! Pinipigilan ang emosyon?! Paano kung magka depression yang anak natin?! Mag isip ka nga Raiden!" Mangiyak iyak na sambit ni Mom.

"Ilang taon na siyang nagtiis sa pagmamalupit mo Raiden! Hindi ka ba naaawa sakanya?! Ha?!" Tanong niya habang humahagulgol.

"You know what, sana hindi na lang ikaw naging asawa ko! I want an annulment! Para di na maghirap yung anak ko sa pagmamalupit mo!" Inis na sambit ni Mom bago ako hilain papunta sa kwarto.

"Mom..."

"Anak. Aalis na tayo ha? Lalayas na tayo kay Raiden." Sambit ni Mom bago ako yakapin ng mahigpit.

Kinagabihan, nagligpit na kami ng gamit ni Mom para maglayas sa tinitirahan namin.

"Anak, bilisan na natin baka mahuli pa tayo ni Raiden." Pagpaalala ni Mom.

Oo, wala pa si Dad sa bahay and kailangan naming umalis agad agad.

Nakaligpit na kami at lumabas na kami sa bahay. Luckily wala pa si Dad kaya sumakay na kami ng taxi ni Mom para lumayo na kami kay Dad.

Akala namin magiging okay na ang lahat nung nakaalis na kami.

Pagbaba namin ng taxi agad agad kami lumayo ng onti at nagmadali dahil iniisip namin na baka makita kami ni Dad sa daan.

"Tara na anak."

"At saan kayo pupunta?" Sulpot bigla ni Dad na nasa likuran namin.

"Takbo anak!" Sigaw ni Mom bago ako hilain palayo kay Dad.

"Bumalik kayo dito!" Sigaw niya bago tumakbo papunta saamin.

"Tumakbo ka lang anak! Wag Kang titingin patalikod!" Sigaw ni Mom na ikinasunod ko.

Napalingon na lang ako nang may kotse na parating saakin at nagdire diretso.

"ZAIDEN!!!" Pagtulak ni Mom palayo sa kotse hanggang sa nabangga siya.

"MOM!!!!!!!"

End of flashback

"Dead on arrival nung nakarating si Mom sa ospital. And I'm the end, kasama ko na yung tatay kong walang ginawa sa buhay kundi magpasaya habang nagluluksa ako." Mangiyak iyak na sambit ko.

"Oo, nasaktan si Dad sa pagkamatay ni Mom. Pero in the end, ako yung binintang niya dahil sa pagkamatay niya."

"I'm sorry to hear your story Zaiden." Sambit ni Stacey habang tinatapik yung likod ko.

"Sometimes I was wondering, why do people have abusive families? Why do people have families that suffer this way? Why are there toxic people in the world?"

"Zaiden, I wish I can help you feel better someday. I just don't know how to start." Sambit ni Margot na ikina-ngiti ko.

"You don't need to help me much Margot. Mahalaga saakin nakinig ka saakin kahit papano." Pagtapik ko ng balikat niya.

"Your feelings are valid Zaiden. So don't hide what you're feeling inside. Sometimes you need to let that emotion out once you're feeling it already." Pagpayo niya na ikina-ngiti ko.

"Thank you Margot."

Family WarOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz