Chapter 44.1: To Reveal the Truth (Part 1)

1.3K 28 4
                                    

Third Person’s POV

“Get ready Natasha, we have a family dinner at your grandfather’s mansion. Make yourself presentable.” Utos ng ama ni Natasha nang makita siya sa may hagdanan.

Kauuwi niya lang galing sa school pero hindi halata ang pagod sa kanya. Napangiti siya sa kanyang narinig at dali-daling pumasok sa kanyang kwarto. She excitedly throw her bag sabay talon sa kanyang kama upang humiga.

Sinuswerte talaga ako ngayong araw!” malakas niyang sigaw at nagpapadyak pa dahil sa tuwa.

Masayang-masaya talaga siya ngayong araw dahil sa nakita at nalaman niya kanina. She found out that her sister Zabrina is in a relationship with a King which is pinsan ni Roxie na siyang namba-blackmail sa kanya.

Sa totoo lang ay wala siyang alam tungkol sa relasyon ng mga King sa kanyang pamilya pero nang mabanggit niya ito sa kanilang driver na ilang dekada nang nagtatrabaho para sa kanyang ama ay nakakuha siya ng impormasyon, impormasyon na kahit sa balita ay hindi makikita ng kahit sino. Hindi niya akalain na ganito pala kalalim ang alitan sa bawat pamilya.

“May silbi din naman pala ang driver ni papa, mabuti nalang at namukaan niya ang lalaking yun, now I have a reason para makuha ulit ang pabor ni lolo and I don’t need to be afraid of Roxie. If ever she reveal me to my grandfather, sasabihin ko nalang na isa siyang King at gusto lang akong siraan,” she smirked at herself, “Wala ng kwenta ang mga pictures na pinantatakot mo sa akin Roxie, humanda kayong mga King, I will make sure to bring you down kapag nasa akin na ang kumpanya.” She let out a loud laugh para mailabas ang sobrang kasiyahan na nararamdaman niya.

It is already dark when they arrived at the mansion, handa na rin ang mga pagkain sa mahabang lamesa at bihis na din ang dalawang matanda na kanina pa naghihintay sa kanilang pamilya.

The old man Miller sigh when he saw the plates on the table, mayroon lamang anim na pinggan para sa anim na tao, that was supposed seven kung hindi lamang sana umalis ang kanyang pinakamamahal na apo, for the second time around, he felt so hopeless and disappointed. He was disappointed that his granddaughter didn’t go to him and ask for help, instead she run away like a coward. 

Nang magsimula silang kumain ay puro business agad ang natanggap niya mula sa kanyang anak na lalaki, samantalang wala namang pakialam ang kanyang apo na lalaki at tahimik lamang itong kumakain.

Kung sino pa ang babae at maldita sa kanilang pamilya ay siya pang mas interesado sa kanyang kumpanya. Alam niya noong una pa lamang na ang kanyang apo na si Natasha ay may kakaibang ugali na hindi niya magustuhan pero dahil apo niya ito ay hindi niya ipinakita ang pagkaayaw niya sa bata. Kaya lamang niya palaging pinapagalitan si Zabrina noon at kung bakit palagi siyang disappointed ay dahil mataas ang expectation niya sa bata kaysa kay Natasha.

“Dad, kailan niyo po ba i-a-announce ang heiress ng ating pamilya?” Natauhan lang ulit ang matanda nang kudlitin siya ng kanyang asawa.

Kinakausap ka ng anak mo, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?”

The old man blinked twice as he look to his son, “Ah, ano nga ulit ang sinasabi mo?” muli niyang tanong.

“Dad, when are you planning to announce Natasha’s title?” Napakunot siya ng noo nang marinig ang pangalan ni Natasha. Kung mapapagkatiwalaan lamang ang dalaga ay buong puso niyang ipapaubaya ang kumpanya.

Ngayon ay mas lalo pang bumigat ang loob niya noong dumalo si Zabrina sa kanyang kaarawan. Kung hindi bumalik ang kanyang apo ay paniguradong napilitan na siyang banggitin ang pangalan ni Natasha para ipaalam sa lahat na ito ang tagapagmana niya, pero ngayong alam na niyang nasa maayos na kalagayan si Zabrina ay nagdadalawang isip na siya.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now