Chapter 33.2: To See Her Fail (Part 2)

1.4K 27 0
                                    

Kararating ko lang sa dorm, pero bigla akong nagulat dahil sa malakas na reaksyon ni Nica, nakatingin siya sa kanyang cellphone habang gulat na gulat.

"Bakit, anong meron?" I asked with so much curiosity sabay lapit sa kanya.

Sandali siyang lumingon sa akin sabay tingin ulit sa cellphone niya, "Nandyan kana pala, tingnan mo 'to. Kumakalat na sa buong department natin. Hindi daw natanggap ang proposal ni Natasha."

Agad ko itong kinuha at binasa ang post sa pinakang group page ng department namin.

"Yung mga seniors natin nagra-rant kasi ngayon lang daw may pumalpak sa special opportunity na yan. Kapag hindi pa na-delete ang post na yan, kakalat na yan sa buong Maximo College." Saad ni Nica.

Kung ganun, hindi siya natanggap? Sa pagkakakilala ko kay Natasha, hindi niya palalampasin ang opportunity na ganito. Kung kailangan humingi siya ng tulong sa isang professional para lang mapaganda ang proposal niya ay gagawin niya talaga, for sure lumapit na din siya kay papa, bakit naman siya na-reject?

"Saang company naman siya nag propose?" Kunot noo na tanong ko habang hinahanap ko sa post.

"Hindi nabanggit eh." Saad ni Nica sabay kalabit sa akin, "Dapat kasi ikaw nalang sana, sayang kaya yung opportunity tapos pinakawalan mo lang."

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi pa kasi ako ready na ipakita ang totoo kong hitsura." Ibinalik ko sa kanya ang cellphone sabay lipat ko sa aking kama at doon umupo.

"Okay lang yan, suportado naman kita sa mga desisyon mo. Pero ngayon, iiwan muna kita kasi may dinner date ako. Nabanggit ko na kay Mr. King na wala kang kasama mamaya kaya paniguradong dadalawin ka niya." Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga? Pupunta siya?" Excited kong tanong. She nodded, giving me a malicious smile.

"Oo, sure na sure ako dun." I bit my lower lip at nag-tumbs up sa kanya.

"Okay goods, i-enjoy mo ang date kay kuya Brad huh."

"Hmm? Kailan mo pa siya tinawag na kuya?" Napatigil ako sandali sabay kamot sa batok.

"Ah eh, mas matanda kasi siya kaya gusto ko na kuya nalang ang itawag sa kanya."

She hummed. "Okay. Basta tawagan mo ako kapag ininjan ka ng boyfriend mo huh, uuwi ako agad." Kumindat pa siya sa akin kaya natawa ako. Ang caring talaga.

"Wag mo na akong alalahanin, basta mag-ingat kayo huh, lalo na at gabi."

"Yes madam dyosa. Ahhh, i-text mo na rin ako kung dumating talaga siya huh, para tagalan pa namin ang dinner date namin ni Brad, okay?"

Pinalo ko siya sa braso sabay tawa, "Oo na. Kung ano-ano tumatakbo sa isip mo eh."




Roxie's POV

Kasalukuyan akong nasa office ni Chase. Mayroon kasi siyang private meeting after the presentation ni Natasha kanina. I was waiting patiently when Irene entered the office carrying some files.

I look at her. "You look pissed." Saad ko at napansin niya ang presensya ko.

"Arkie. You're still here?"

"May pag-uusapan pa kasi kami ng pinsan ko."

Inilapag niya ang folder sa desk ni Chase sabay lapit sa akin. Umupo siya sa tapat ko. "Your cousin is completely ignoring me. Kahit anong gawin ko na pagpapapansin sa kanya ay hindi niya ako magawang tingnan man lang. Tapos ang sungit pa, mas lumala yata siya kaysa noon."

"Of course, in love siya e, bakit ka naman niya papansinin?" Natatawa kong pagkasabi.

"Huwag mo ng ipamukha mas lalo lang akong naiirita."

His Precious PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon