Chapter 25: To Meet Unexpected

1.7K 30 3
                                    

Napapansin ko simula pa kahapon na puro cellphone nalang ang inaatupag nitong pancit canton na kasama ko ngayon. Medyo nakakausap ko pa naman siya ng maayos pero ang atensyon niya ay nasa cellphone lang talaga.

"Nakikinig ka ba Nica?" Agad siyang napatingin sa akin habang nakataas ang dalawang kilay, "Huh? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" Tss. Hindi na nga siya nakikinig samantalang kanina pa ako nagra-rant about kay Chase.

"Sino ba kasi yang ka-chat mo at hindi matapos ang usapan niyo? May boyfriend kana ba?"

"H-huh? W-wala 'no, ano lang, chatmate lang."

"Chatmate na soon to be boyfriend ganun?" Napangiti siya dahil sa sinabi at mukhang kinilig pa. So tama nga ako?

"Kailan mo balak sabihin sa'kin na may ganyan ka pala?" I acted hurt while pouting at her at sa wakas binitawan na niya ang kanyang cellphone.

"Ehhh, sorry na. Nadi-distract talaga kasi ako at nalilimutan kong banggitin sayo kasi siya lang palagi ang naiisip ko."

"Oh my gosh, inlababo ang pancit canton ko!" Masaya kong sigaw pero nakatanggap ako ng malakas na palo mula sa kanya. Ang bigat talaga ng kamay niya, ang sakit kasi eh.

"Ouchiie!"

"Sinabi ko ayaw ko ng pancit canton eh."

"Eh gusto ko ano magagawa mo, kapag si Chase naman okay lang sayo."

"Syempre iba kapag si Mr. King na, mas matanda kaya siya sa atin."

"Nyenye, sino ba yang kausap mo at hindi ka makapag-focus, kilala ko ba?" Mabilis siyang umiling pero napangiti din agad, abot ulap na yata ang kasiyahan ng isang 'to.

"Ang gwapo niya dyosa!" Kinikilig na naman siya. "Tapos ang bait at ang sipag pa niya. Siya na yata ang pinaka-charming na tayo dito sa balat ng lupa."

"Weh? Mas charming pa kesa kay Chase?" Napaisip siya sandali dahil sa tanong ko kaya napangiti naman ako. Hmm. Wala talagang makakatalo sa kagwapuhan ni Chase.

I'm smiling widely up to my ears pero nang matauhan ako ay agad kong isinantabi ang mga pagpapantasya kay Chase. Sheyyt. Naiisip ko na naman siya! Samantalang siya, hindi man lang ako namimiss.

"Ehhh, iba naman kasi si Mr. King. Kung baga, nasa upper class siya ng kagwapuhan pero ito kasing prince charming ko, simpleng tao lang pero kahit na ganun, napakagwapo parin niya."

I nodded at her, "Paano mo naman nakilala?"

"Bago kasi siyang waiter dun sa restaurant na kinakainan ko palagi."

"Oh tapos?"

"Ayun na nga, mayrong isang customer na natapunan ako ng juice nang papalabas na ako sa restaurant eh gabi na nun, kaya tapos na din pala ang trabaho niya, pinahiram niya ako ng jacket para tabunan yung damit ko."

"Oh tapos?"

"Tapos hiningi ko ang number niya para maibalik ko sa kanya yung jacket niya, actually nag-message agad ako sa kanya pagkauwi ko pero, kahapon lang siya nag-reply."

"Ahhh, kaya pala sobrang busy mo sa phone kahapon."

"Hmm. Gusto mo ba akong samahan?"

"Saan?"

"Sa restaurant, dinner date tayo mamaya since ini-snob ka naman ni Mr. King." Gumanti naman ako ng palo sa balikat pero di siya nasaktan kahit na malakas na yung palo ko.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now