Chapter 31: To Meet Him

1.5K 28 0
                                    

Papalabas na ako ng elevator nang makita ko si Irene na naghihintay sa labas. Sa dinami-dami ba ng elevator dito pa siya naghintay. Pagkakataon nga naman, kailangan ba talaga naming magkita? Pero kung sa bagay, mas okay na din ito kesa naman maabutan ko siya sa office ni Chase.

Hindi ko alam kung lalabas ba ako ng elevator or babalik ako sa itaas para guwardyahan si Chase. "Aren't you getting out? Miss?" Napatawa ako dahil umasta pa siya na parang nakalimutan niya ang pangalan ko, umaarte na hindi ako kilala.

Paniguradong lolokohin na naman ako ni Chase kapag bumalik ako dahil lang nakasalubong ko si Irene. Wala na akong nagawa kundi lumabas at saka naman siya pumasok sa elevator na para bang wala lang sa kanya na nandito ako. Ang galing, kung siya binalewala lang ang presence ko, dapat ako din.

I breath in and out. Kalma lang Zabby. Wala lang siya para kay Chase. Hindi ko dapat siya inaalala. I just nodded at myself.

Nagpatuloy na ako palabas at tatawagan ko na sana si manong pero nakita ko na papalapit na siya sa akin.

"Ma'am, uuwi kana po ba?"

"Opo."

"Sige ma'am kukunin ko lang ang kotse."

"Sige po manong." Naghintay lang ako ng mga 5 minutes kasi pumunta pa siya sa underground parking lot nitong building. Tumakbo yata si manong kasi ang bilis niya makabalik.

Ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang nasa byahe pa. Pero magdaan ang ilang minuto nang maramdaman kong ang gulo magmaneho ni manong, palipat-lipat ng lane.

I opened my eyes at napansin kong malapit na kami sa mansion nang bigla nalang may humarang sa kotse sa harapan namin, napasigaw pa nga ako dahil biglang preno ni manong.

Halos mapamura na rin siya pero napigilan niya pa dahil kasama niya ako. "Loko yang bata na yan ah! Magpapakamatay na ba yan!" Giit ni manong at sobra akong nagulat nang makita ko si kuya Brad na lumabas sa kanyang kotse.

"Sh*t..." Napamura na din ako ng tuluyan habang sinusundan ko ng tingin si kuya. Papalapit na siya sa amin at deredretso sa pintuan sa huli ng kotse kung saan ako nakaupo.

"Naku ma'am, mukhang ikaw yata ang pakay niyan, kanina pa po tayo sinusundan ng loko na yan, papaandarin ko na po ang kotse ma'am!"

Hindi ako nakasagot agad dahil bigla nalang kinalampag ni kuya yung pinto sa gilid ko. "M-manong, b-buksan niyo po ang pinto." Natigilan si manong dahil sa sinabi ko. Ready pa naman siyang paandarin ang kotse.

"Pero ma'am--"

"Kilala ko po siya." Mabilis king pagkasabi. Halos ayaw niya pang maniwala pero mabuti nalang at sinunod na din niya ako. Nag-click sa gilid ko ang lock ng pinto kaya nabuksan na ito ni kuya ng walang kahirap-hirap.

Sa totoo lang, natatakot ako sa inaasal ni kuya pero syempre, dapat inasahan ko na ganito ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ako 'to. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa kong paglalayas? Well, si Natasha lang naman ang tuwang-tuwa sa pag-alis ko.

"Get out." Malamig niyang utos at dahan-dahan akong lumabas ng kotse.

"K-kuya--" bigla niyang kinapitan ang pulsuhan ko sabay hila papunta sa kotse niya.

Natatarantang lumabas si manong at sobrang nag-aalala, "Ma'am Zabrina--"

"Okay lang ho manong, mauna na po kayo sa mansion..." saad ko nang tinutulak ako ni kuya papasok sa kotse niya.

"Pero ma'am--"

"...uuwi din po ako manong!" Sigaw ko hanggang sa mapasok na si kuya at mabilis na pinaandar ang sasakyan papalayo.

His Precious PropertyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora