Chapter 22: To Start a War

2.1K 35 2
                                    

Third Person's POV

Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa isang shooting range kung saan naroroon si Irene, kasalukuyan siyang nagpapalit ng magazine ng baril at halata sa kaniyang mukha ang pagkairita.

Hindi kasi niya maalis sa isipan ang nangyari sa mansion lalong-lalo na ang mukha ng babaeng kinababaliwan ngayon ni Chase.

"You told me that I don't need to bother about his playtoy, pero bakit ganun nalang sila kumilos sa isa't-isa? Para silang mag-asawa." Naiinis nitong singhal sa matandang lalaki na nasa tabi niya.

Bahagyang napangiti ang lalaki at nagpaputok na naman ng baril, pagkatapos ay nagsalita ng kalmado, "I didn't expect na magiging okay silang dalawa. Sa pagkakaalam ko ay palaging nagagalit sa kanya si Nikolas pero base sa kwento mo ngayon, sa tingin ko ay nagkaayos na sila. Alam naman ng lahat na may itinatago siyang babae sa mansion niya at ito ang dahilan kung bakit palagi siyang galit," napabuntong hininga ang matanda, "Hindi ko alam kung anong nangyari at kung paano sila nagkaayos. Totoo kayang nagkakamabutihan na sila?" Taas kilay nitong tanong sa kanyang anak.

"I can't let that happen Dad, Chase is mine. Nawala lang ako ng ilang taon tapos mayron na siyang babae. I will make sure to get him this time at papatalsikin ko ang Zabrina na yan. She didn't deserve Him." Pagalit na saad ni Irene at pinatamaan ang kanyang target ng sunod-sunod dahil sa galit.

Ibinaba ng matandang lalaki ang kanyang baril at tumingin sa anak na may ngiti sa mga labi, "We didn't see any good background of that girl so, I think we are safe if we continue planning on how to remove her from him, make sure that you're the one who's beside him all the time, kaya nga ikaw ngayon ang madalas niyang makakasama sa trabaho, it's your chance to be close to him."

"I promise I will get him Dad, I will do my part while you do your part too."

"Hmm. How about the Madam King? How is she?"

"We don't need to worry about her Dad, alam naman natin na gustong-gusto niya ako, kung hindi lang talaga sa Zabrina na yan ay siguradong boto siya sa amin ni Chase."

"That's good, at least we have an assurance. We just need to execute our plans. Make sure na mababago mo ang isip ni Nikolas, make him fall for you, my dear daughter."

"I will Dad." Irene plastered a big smile on her face as they continue to shoot again.



***

Zabby's POV

Sa wakas! Tapos na din ang sembreak!

Akala ko pa naman sa bakasyon na 'yun ay makakapagpahinga ako pero hindi pala. Sinulit talaga ni Chase na makasama ako at ganun din naman si lola. Nagyaya pa nga siya na mag-shopping daw kami at halos araw-araw ay may pinupuntahan kami upang magsaya. Maalala ko lang ang mga iyon ay sumasakit agad ang ulo ko. Tila ba wala silang kapaguran at hanga din ako kay lola sa lakas ng katawan niya.

Napabuntong hininga nalang ako habang inaalala ang nakakapagod na sembreak ko. Kung gusto kong makatakas kay Chase noon dahil nakakatakot siya, ngayon naman gustong-gusto kong makatakas dahil super clingy niya!

"Bakit nakatulala ka dyan?"

"Ay demonyo!" Gulat akong napasigaw nang bigla nalang pumasok si Chase sa kwarto ko.

"Tss. You're calling me demon again."

"N-nagulat lang ako. Bakit ba kasi bigla kang sumusulpot?"

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now