Chapter 37.1: To Be in Danger (Part 1)

1.4K 27 0
                                    

I'm heading towards the cafeteria, nag-chat kasi si Nica na nandun na daw siya. Gutom na gutom na daw siya at hindi na makatiis kaya nauna na. I laughed hard when I saw her message.

"Hey you!" I stopped walking when someone yelled at me. Agad kong hinanap yung boses at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Dana na galit na galit. She's glaring at me like there's mo tomorrow.

Wala pa namang katao-tao dito sa hallway kasi tanghali na, lahat ay kumakain na ng lunch nila. Mapapaaway na naman yata ako.

"Ano na naman bang kailangan mo?" I asked with a furrowed brow. Medyo nasa malayo siya at imbes na sumagot ay sinenyasan niya lang ako na sumunod sa kanya gamit ang hintuturo niya.

Nauna siyang umalis. I'm debating to myself whether I should follow her or not. Pero nang lumingon ulit siya sa akin ay kusa nang gumalaw ang mga paa ko upang sundan siya.

Dinala niya ako sa tagong lugar at medyo maraming puno. Ngayon lang ako nakarating sa part na'to. Ano bang plano niya?

Humarap siya sa akin.

"Ano bang kailangan mo huh?" Muli kong tanong.

"You know what, I didn't expect that you're such an idiot. You followed me all the way here despite the fact that I'm your enemy? Paano na lang kung may balak akong patayin ka?"

I laughed at her remark at medyo lumapit sa kanya. Ang hilig niyang manakot e hindi naman niya kayang gawin. "The question is, can you really kill me?" Maangas kong tanong kaya umigting ang panga niya sa sobrang galit. Magkasalubong na ang kilay niya at nanlilisik ang kanyang mga mata.

"You are just one of those losers Zabrina. No matter how beautiful you are, you are still a freak in my eyes." Sigaw niya na umalingawngaw sa paligid.

"Does your opinion matter to me? Wala akong pake kung ano man ang tingin mo sa akin. Alam ko naman na sinadya mong hindi banggitin ang pangalan ko sa post, kasi natatakot ka na magustuhan nila akong lahat." Ganti ko sabay ngiti sa kanya, mas lalo lang siyang nainis.

"Sa tingin mo magugustuhan ka parin nila kapag nalaman nila na ikaw ang nasa picture?"

"Of course, hindi mo ba nabasa ang mga comments nila? You made me famous Dana, thank you." I replied with full of sarcasm.

Mas lalong uminit ang ulo niya kasi paunti-unti na siyang lumalapit sa akin, gigil na gigil.

"Ganyan ka ba ka-confident kasi may sumusuporta sayo? Ilan ba ang lalaki mo huh? Pati ang presidente pinapatos mo freak. Did you asked her to expelled me, huh? Dinaan mo ba siya sa ganda mo?" She angrily shouts again. Nakakabingi huh.

Tapos bigla nalang siyang tumawa na parang baliw.

"Are you lesbian too, freak?"

"Wag kang magsalita ng hindi mo alam ang buong estorya Dana."

"Why? Natatamaan ka ba? Do you think I will just leave quietly after you messed with me?"

"You're the one who messed with me Dana. Nananahimik ako pero binully mo ako!"

"A loser like you should be bullied. A slut like you should be exposed! I will tell everyone that you're a whore."

"Sa tingin mo may maniniwala sayo? You don't have an evidence." Natatawa kong saad. Nagulat ako nang bigla nalang siyang umataki sa akin. Akala ko pa naman ay magtatalakan lang kami dito.

His Precious PropertyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz