Chapter 32: To Remember Him

1.4K 26 0
                                    

Sobrang tahimik nang makarating ako sa loob ng mansion. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong maayos ang mga gamit at hindi natataranta ang mga katulong. Siguro hindi pa alam ni Chase, nakauwi na kaya siya?

Pero bakit wala man lang katao-tao dito?

I headed towards the living room at napamulaga ako nang makita ko si lola na kausap si Chase.

Oh my! Anong ginagawa niya dito?

I hurriedly greeted her when she saw me sabay mano sa kanya. "Grandma, kumusta po kayo?" Magalang kong tanong, nahihiya kasi akong magtanong kung anong ginagawa niya dito.

Bakit siya mismo ang dumalaw? Hindi naman niya ito ginagawa noon. Nakakabigla naman.

She smiled at me tapos binira niya ako sa tabi niya upang umupo. "Okay naman ako iha, na-miss ko lang kayo ng apo ko, that's why I'm here." Hinahaplos niya ang balikat ko habang sinasabi yun. Napatingin ako kay Chase dahil tahimik lang kami nitong pinapanuod.

Hindi ko mabasa ang expression niya ngayon, seryoso kasi kaya hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi. May nangyari ba?

Ngumiti ako kay grandma, "Na-miss ko din po kayo grandma."

Tumawa siya at halatang tuwang-tuwa siya sa akin. Nakakagaan ng loob kapag ganito. Siguro kung maiba ang ugali ni lola ay paniguradong hindi na ako nagpakita sa kanila ngayon.

Naaaliw pa sa akin si lola nang magsalita si Chase, "Zabrina, you should change first, iwan mo muna kami ni grandma." Utos nito sa kalmadong boses sabay ngiti sa akin.

Bakit pakiramdam ko pinipilit lang niyang ngumiti? May problema ba sila ni lola? Bakit ayaw niyang madinig ko ang usapan nila?

Although marami akong tanong sa aking isip, sinunod ko nalang siya at nagpaalam na kay lola. Bago pa ako makaakyat sa hagdaan ay muli akong sumulyap sa kanila at napansin ko ang seryosong mukha ni grandma. Ano kayang pinag-uusapan nila? Nakaka-tense naman silang tingnan.

"Zabby, umakyat kana." Nagulat ako nang magsalita si Martin sa tabi ko na may dala-dalang coffee.

"Nakakagulat ka naman." Bulong ko sa kanya dahil baka marinig ako nina lola.

"You shouldn't pry too much when the atmosphere is serious. Sa kwarto ka nalang muna."

Napakunot noo ako. "Bakit? May nangyari ba?"

He smiled before shaking his head slowly. "I'll go ahead, lalamig na ang kape." Iniwasan niya ang tanong ko.

Bakit ayaw niya akong sagutin? May nangyari nga ba?

I deeply sigh because of frustration, continuing my walk upstairs while thinking lots of things in about the situation, pero wala parin akong maisip na mas fit sa pinag-uuspan nila. Kahit naman matagal ko ng kasama si Chase ay hindi ko pa ganun kakilala ang family niya, ang mga issues nila or problems.

I sighed. Mas mabuti nga kung mag-stay nalang ako sa kwarto at hayaan nalang sila. Tatanungin ko nalang si Chase mamaya.




Brad's POV

Paulit-ulit kong hinampas ang manubela pagkatapos kong maihatid si Zabrina sa mansion ng isang King. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. Gusto ko man siyang pilitin na umuwi ay mas magiging magulo lang ang sitwasyon.

Ang daming problema.

I rested my head on the wheel at nakaramdam ako ng sakit ng ulo dahil sa kakaisip. I closed my eyes. I need to think for a solutions pero parang wala akong magagawa sa kagustuhan ng kapatid ko.

His Precious PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon