Chapter 20: To Know Him Well

2.1K 34 1
                                    

"Erhm." Napatikhim ako bigla sa sinabi niya.

S-seryoso ba talaga siya?

Kinakabahan ako huh.

I slowly nods my head in hesitation. "O-okay. Let's start over again. I-- I'm giving you another chance, Chase." Mabilis siyang ngumiti at agad akong hinila upang yakapin.

Ang init-init ng katawan niya at hindi ko mapigilang pumikit. My body fits perfectly to his tight embrace.

"I promise, I will never hurt you again." Bulong niya at binitawan na din ako, hinalikan niya ang aking noo with so much passion.

I smiled at him sabay kuha niya sa aking kanang kamay. He intertwined his hands to mine as we walk in the hallway. "So, kailan mo pa kilala si Irene?" Sabay tanong ko.

Bakit? Curious ako eh, gaano ba sila ka-close?

I saw a glimpse of amusement in his eyes along with a smirk on his lips. "To be honest, hindi talaga kami close. I didn't pay attention to anyone that much, well except for you. All of my attention are reserved just for you Zabrina." Magaling din mambola ang loko. Akala naman niya maniniwala ako.

I slightly nodded, "Hmm."

He's smiling very wide while staring at me, "Are you jealous?"

Anong jealous?! "Hindi 'no!" Malakas kong sigaw kaya natawa siya.

Bakit parang ang defensive ko naman. Tss. Napapadalas na ata ang pag-ngiti at pagtawa niya sa akin ah?

Binitawan ko ang kamay niya at pinag-cross ang aking braso. "Basta hindi ako matutulog kasama mo. Bakit hindi mo sinabi kay lola na magkahiwalay tayong matulog?" Magkasalubong ang aking kilay.

"It's my chance to be in the same bed with you so bakit ko sasabihin kay grandma?" He said teasingly kaya pinanlisikan ko siya ng mata. Sabi ko na nga ba at may masama itong motibo! I hurriedly punch his right arm at grabe ang tigas, hindi man lang siya nasaktan samantalang ang lakas lakas na ng suntok ko.

Medyo napangiwi ako dahil sumakit ang kamay ko.

"Tss. Nag-aral daw ng combats pero parang langgam ka naman sumuntok." Natatawa niyang pagkasabi kaya nainis ako. Susuntukin ko sana ulit siya pero bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko siya.

"Anong sinabi mo! Bumalik ka dito at ipapatikim ko sayo ang lakas ng kamao ko!" Sigaw ko ngunit patuloy lang siya sa pagtakbo.

Para kaming batang naglalaro sa loob ng mansion hanggang sa makarating kami sa grand staircase at umakyat siya doon. Sunod lang naman ako ng sunod at mas lalo akong naiinis sa tuwing naririnig ko ang tawa niya.

Ngayon ko lang narinig ang tawa na yun at tila ba nakakatanggal ng stress sa tuwing naririnig ko. Pwede ba yun? Naiinis na nasisiyahan ako? Hayyst. Nababaliw na ata ako.

Chase. What did you do to me?

This past few days, we're really, getting closer, for real.

Pagod na ako kakahabol sa kanya nang bigla siyang tumigil. Ang laki-laki ng ngiti niya sa kanyang mukha.

"Tss. Nag-aral daw ng combats pero ang hina naman ng stamina. Paano kana pala kapag sa kama na tayo naglaban?" Lalo pang nanlaki ang mga mata ko. Abat! Loko talaga ang demonyong ito! Ang lakas din mang-asar! Patay ka sa'kin!

"Ang manyakis mo talaga!" Sigaw ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Bakit naman ako naging manyakis? Ikaw lang 'tong masama ang isip." Natatawa niyang sabi kaya sumigaw ako sa sobrang inis.

His Precious PropertyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz