Chapter 29: To Do the Plan

1.5K 28 0
                                    

Third Person's POV

Masayang-masaya si Nica na kasama niya ngayon ang taong gustong-gusto niya kahit na kakikilala palang niya. Natutuwa din siya dahil mabilis silang naging malapit sa isa't-isa kahit na sa text lang sila kadalasang nag-uusap. Laking pasasalamat niya dahil napaka-down to earth ng lalaki at approachable pa. Hindi ito mayabang. Napakapraktical din mag-isip.

"Oo nga pala, sorry nalimutan ko na naman dalhin ang jacket mo," saad ni Nica habang naglalakad sila sa park.

"Okay lang, kung gusto mo sayo nalang yun."

"T-talaga? Okay lang sayo?"

"Oo naman, mas bagay nga sayo kapag ikaw ang nagsuot." She smiled at him sabay hawi ng buhok papunta sa kanyang taenga. Nag pabebe pa nga.

"Thank you huh, I will cherish that jacket." They smiled at each other, "Sa totoo lang, kinakabahan ako kapag malapit ako sayo." Nilakasan talaga niya ang kanyang loob para sabihin iyon sa lalaki. She's trying her best to be confident and to avoid any awkwardness between them kaya naman feeling close agad siya dito.

"I fully understand you, kasi pareho tayo ng nararamdaman, hindi ko lang pinapahalata to keep my cool in front of you." saad ni Brad. Totoo naman kasi. Ever since he saw her at the restaurant, hindi na niya ito maalis sa kanyang isipan, tila ba sa unang tingin at encounter nila ay nakuha na siya nito.

Kinilig naman agad ang canton dahil sa sinabi ng lalaki. Walang salita yata ang nasasayang mula kay Brad na hindi kikiligin si Nica.

"Ah oo nga pala, sabi mo Miller ka diba? Curious lang ako sa isang bagay. Nahihiya kasi akong itanong last night."

"Tungkol ba kung member ako sa family Miller na sikat sa business world?"

"Oo." agad siyang tumango.

"Yes, you're right."

"T-talaga? Hindi ko alam na may big brother pala si Natasha."

"It's understandable kasi naman, I'm a failure son. That's why I'm not that known to be a member of Miller family. Every since I decided to change the path to my future, binalewala nalang nila ako." He said with sadness.

"Grabe ka naman sa sarili mo."

"I'm just stating the fact, I know they keep saying that they support my decisions pero ang totoo ay ayaw lang nilang malaman ng iba na hindi ako successful." Napabuntong hininga siya. "I don't want to run the company, I don't have any ambition, I just want to play sports and live my life to the fullest."

"Kung ganyan naman pala ang rason mo, then you're not a failure, you're just doing what you want."

"It's good that you understand. Mostly, kapag nakikipag-usap ako sa mga date na sini-set up sa akin ni Dad, palagi nila sinasabi na I should lead our company someday without asking what I really want. Ayoko ko ng ganun."

Napatawa nalang si Nica, "Typical rich girl, I guess?"

"Yeah."

"Alam mo, sa sobrang bait mo, nag-iisip na'ko kung kapatid mo ba talaga si Natasha." Biglang natigil sa paglalakad si Brad. "Oppps, I didn't mean to offend you huh, I mean, ibang-iba kasi ang dating ng kapatid mo."

"Why do you think so?"

"Kasi naman, sa tuwing nakikita ko siya, nakakatakot siyang tingnan kahit na ang tingin sa kanya ng iba ay napakainosente."

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now