Chapter 36: To Be Revealed

1.4K 28 1
                                    

"Pagod much?" Bungad sa akin ni Nica nang makita niya akong nakahiga sa kama, kalalabas niya lang kasi sa cr, nag half bath siguro kasi mukhang fresh na fresh siya. Ngumiti lang ako sa kanya at bumangon upang makapagpalit na din, agad akong nag-unat ng kamay at humakay.

Ako naman ang pumasok sa cr upang magtanggal ng make up. It takes a couple of minutes nang makapagpalit ako into pajamas.

"Mabuti nalang wala gaanong assignment ngayong week 'no?" Saad ni Nica pagkalabas ko ng comfort room, nagsi-cellphone lang siya.

I seated on my bed at binuksan ko din ang cellphone ko pero walang bagong message, siguro busy lang si Chase kaya ako na mismo ang nag-message sa kanya na nakauwi na ako sa dorm.

"Oh my gosh!" Halos mabitawan ko ang aking cellphone dahil sa malakas na sigaw ni Nica. Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. Bakit bigla-bigla nalang siyang sumisigaw, ano na naman bang meron?

"Nakakagulat ka naman bruha ka. Ano na naman ba yan?"

Nakatakip ang kaliwang kamay niya sa kanyang bibig habang hawak naman niya ang cellphone sa kanan.

"Dyosa..." tawag niya at dahan-dahang tumingin sa akin. Ang bagal huh, naku-curious na talaga ako

I creased my forehead pero tinatamad akong lumapit sa kanya kaya inaya ko siya sa tabi ko.

"Ano ba yan, dito ka nga." I tapped the space beside me.

"Dyosa...look!" Mabilis niyang inilapit ang kanyang cellphone sa mukha ko at sa sobrang lapit ay halos maduling na ako. Agad kong kinuha ang kanyang cellphone para mas makakita ng maayos.

"Sandali lang dinidikit mo na talaga sa mukha ko e paano ko 'to makikita," angal ko sabay tingin sa cellphone.

Pero tulad ng pagkagulat niya kanina ay mas malakas ang naging reaksyon ko. "OH EM GEE!" Napakapit din ako sa aking bibig.

"OMG talaga gurl! May idea ka ba kung sino ang nakakaalam about sa totoong mong hitsura bukod pa sa'kin?" She asked worriedly. I mentally answered with a curse.

Buisit na Dana! Siya lang naman ang alam kong gagawa nito! How dare she! Nag post lang naman siya sa page ng department namin about sa stolen pictures ko na kasama si Chase kagabi at kitang-kita ang totoo kong mukha!

OH MY GHAD talaga!

Agad kong binasa ang nakasulat sa post.

A very malandi and pretentious person who is secretly seeing a sugar daddy during midnight. Dinadala niya pa talaga sa dorm niya, malay natin kung anong ginagawa nila dun. She needs to be expelled. Magugulat kayo kapag nalaman niyo kung sino siya.
#whore #malandi #fake

"Naku Dyosa, mabuti nalang at hindi pinangalanan kung sino ang nasa picture kung hindi, mahuhuli kana talaga."

Hindi ako nakaimik, nagkatitigan lang kami sabay kuha naman niya sa cellphone. "Let's see the comment section nga."

Kinabahan talaga ako dahil sa post na ito kaya hinayaan ko muna siya magtingin sa comment section, pero makalipas ang ilang sigundo ay nakita ko siyang napangiti kaya tumingin na rin ako.

--oh my gosh! ang ganda naman niya at ang gwapo pa ng kadate! Sanaol gurl!

--how to be you po, ang gorgeous naman pala sanaol

--nagkamali ka yata ng post, hindi ko siya nakikita dito sa department natin, masyado siyang maganda.

--sino ba yan? Sana nga nasa department natin siya. Maladyosa ang ganda.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now