Chapter 16: To Know the Miller

2.2K 31 1
                                    

Natasha Haven Miller's POV

I can't go home with a report card like this. Hindi ko na alam kung saan ilalagay ang galit ko. Gusto ko ng sumabog at magwala pero hindi ko magawa dahil nasa kotse pa ako pabalik ng mansion.

I know dad will not be disappointed to see that I'm just in second place, alam niya kasi na hindi ako ganun katalino dahil sa tamad akong mag-aral. Pero ang habol ko lang talaga ay si lolo. I want him to be proud of me.

At the end, si lolo parin naman ang magdi-decide kung sino ang magmamana ng company.

But what should I do now? Alam ko naman na hindi na nila aalamin kung sino ang top 1 dahil wala naman silang pakialam kaya hindi ako natatakot na baka malaman nilang malapit lang sa amin ni Zabrina.

Nakakainis ang mag-isip ng mag-isip. Hindi dapat ako nai-stress ng ganito.

I deeply sigh habang nakakapit ako sa aking sentido. Buisit talaga ang babaeng yan. Malas talaga siya sa buhay ko. Hindi ko nalang sana siya hinayaan na mag-stay sa Maximo, pero dahil kailangan ko ang katalinuhan niya ay binalewala ko nalang ang presence niya at pinayagan siya sa ganung hitsura.

I can't believe that she disguised herself like that. Nakakadiri siya. Para siyang nakawala sa mental hospital dahil sa hitsura niya.

"Miss Natasha, we arrived already." Saad ng aking driver at napatingin ako sa labas, di ko man lang namalayan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas na ako ng kotse kahit ayaw ko pa.

I need to sort things out pero hindi ako makapag-focus sa dapat kong gawin. I lazily walk inside at binati naman ako ng mga maid. When I reached my room, I throw my bag because of anger at pinagsisira ang mga gamit upang ilabas ang galit ko.

"Nakakainis ka talaga Zabrina! Bakit kailangan mo pang bumalik?! Matagal ka ng patay sa pamilyang ito and I will not allow you to come back here!" I shouted at the top of my lungs hanggang sa magtakbuhan ang mga katulong upang alamin kung bakit ako nagwawala.

"M-miss Natasha!" Takot na tawag ng aking personal maid. Gulat na gulat sila nang makita ang mga kalat sa loob. I stared at them with a blank expression kaya naman yumuko sila dahil sa takot.

"Nandito ba si dad?" I asked in monotone voice at agad silang tumango.

"Y-yes miss. Nasa opisina po si sir."

"Clean my room." I commanded at lumabas na upang magtungo kay Dad dala-dala ang report card ko.

I took a deep breath before knocking at dahan-dahang kong binuksan ang pinto ng office niya. He didn't lifted his head to see me because he is busy reading some files.

"Dad." I greeted with a bow.

"What do you need?" His tone was too cold. I know he did like me that much but no matter what happened, he will still side with me because his blood is running in my veins.

In this family, family bloodline is the most important, the purity itself makes you special for them. Kaya naman galit na galit si dad nang malaman niyang hindi niya anak si Zabrina. Dad is the only son of my grandfather kaya naman walang dumadaloy na dugong Miller kay Zabrina. Tanging ang pangalan lang ang pinanghahawakan niya.

I went closer to him at inilapag sa lamesa ang report card ko. Sinilip niya lang ito sandali at bumalik na ulit sa ginagawa niya.

"Not bad." He said nonchalantly. As expected, wala talaga siyang pakialam. I let out a sigh at kinuha na ulit ito. I'm waiting for him to say or compliment me more pero wala yata siyang balak na gawin yun.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now