Chapter 37.2: To Be in Danger (Part 2)

1.3K 26 0
                                    

Brad's POV

Kakatapos ko lang mag-lunch dito sa labas, ayaw ko kasi sa cafeteria ng school kasi crowded.

Pinaandar ko na ang aking motor upang bumalik at napagdesisyunan kong sa likod nalang dumaan. Meron kasing mini forest sa school at may secret place kung saan pwede ka magtambay mag-isa. Ako lang ang nakakaalam nun kasi bihira lang ang mga estudyante na dumadaan dun.

Nang makarating ako ay may nakita akong isang puting Van na nakaparada. I creased my forehead as I scanned the van, ngayon lang may nag park dito. Binalewala ko nalang at nagpatuloy na sa paglalakad, hindi pa man ako nakakarating sa tambayan ko nang makarinig ako ng malakas na sigaw.

"HEEELP!!" I stopped walking, tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Hindi na ulit nasundan ang sigaw kaya ako na mismo ang naghanap kung saan ito nanggaling.

Habang naghahanap ay bigla akong nagtago sa isang malaking puno nang makita ko ang mga lalaki na pinatulog ang dalawang babae. To my surprise, my sister is one of them.

Did they just kidnapped Zab?! Wtf!!

I didn't waste my time at sinundan ko sila, hindi naman ako makasugod kasi marami sila.

Agad akong sumakay sa motor at mabilis itong pinaandar upang sundan kung saan nila dadalhin si Zab. Wag lang talaga nilang sasaktan ang kapatid ko kung hindi ako mismo ang papatay sa kanila.

Nakarating ako sa isang abandonadong warehouse kakasunod ko sa kanila. I hurriedly hide behind the trees as I watched them from afar. Those men carried my sister inside, with the other girl. Sino kaya ang may pakana nito?

Anong balak nila? Sino ang totoong target nila? Ang kapatid ko ba o ang kasama niyang babae?

I hurriedly get my phone to dial Nica's number which she answered immediately.

"Hello, Brad!" I can hear concern in her voice, "I can't find Zabby. Kanina ko pa siya hinahanap pero wala, sabi ko hihintayin ko siya sa cafeteria pero hindi siya dumating." Mabilis niyang pagkasabi at mukhang nagpa-panic na.

I deeply breath, "Listen, Zabrina was kidnapped."

"What?!"

Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga sa lakas ng boses niya. "Call the police, I'll send you the address."

"W-wait! Ano bang nangyayari? Anong kidnapped ang pinagsasasabi mo?"

"I'll explain to you later. Just call for back up okay?"

"Wait! Are you there alone?! Wag kang sumugod mag-isa okay? T-tatawag na ako sa pulis!" Natataranta na talaga siya. I sent the address after she dropped the call.

Hindi na ako naghintay at lumapit na ako sa warehouse, wala naman kasing nagbabantay sa labas. Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Nica. I didn't answer, paniguradong pipigilan niya lang ako. I shutdown my phone and focused on how to save my sister.

As I can see, maliit lang ang warehouse. I tried going at the back but there's no back door, I have no choice but to enter at the front door.

Muli akong bumalik sa una at dahan-dahang sumilip sa maliit na kawang ng pintuan. Mabuti nalang at hindi naka-lock.

Walang bantay.

Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at marahang pumasok. There are piles of wood that covers the other side, kaya dun ako nagtago.

Sa di kalayuan ay nakita ko yung mga lalaki na kumuha sa kapatid ko, but they are only four, nasan yung isa? Mabuti nalang at wala silang mga kasamahan dito.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now