Chapter 38.2: To Know the Truth (Part 2)

1.3K 22 17
                                    

Kinakabahan ako sa silent treatment sa akin ni Chase. Kanina pa ako naghihintay na magsalita siya pero parang ang lalim ng iniisip niya.

"Chase..." Bahagya lang siyang tumingin sa akin. "About kay kuya--"

"I'm terrified." Pagpuputol niya sa aking sinasabi. "When I heard that you were kidnapped, I was so afraid. I don't know what to do if I lose you, Zabrina." He's looking at me with those teary eyes.

"But you saved me, okay na ako." I smiled para pakalmahin siya. Kinuha niya ang mga kamay ko at kinapitan ito ng mahigpit.

"I will do everything just to protect you, hindi ko hahayaan na malagay ka ulit sa panganib, Zab."

"S-sorry. Kung pinag-alala kita. Promise mag-iingat na ako sa susunod." I said at nakita ko naman na ngumiti na siya.

"I'm not the only one who's concerned to you." Saad niya na para bang nagtatanong kaya napahinga ako ng malalim.

"I'm sorry Zab, if I didn't help your brother earlier. I was just too focused on you to care for him." He sincerely apologized while squeezing my hands.

"It's okay, naiintindihan ko naman and I'm sorry kasi, hindi ko agad nasabi sayo ang tungkol sa kuya ko, sorry talaga."

"It's okay, if you're comfortable and ready to talk about them, I will listen."

This is the perfect timing para sabihin sa kanya ang totoo.

I took a deep breath, ready na akong sabihin sa kanya lahat. Matagal na panahon na rin na iniiwasan kong maalala ang family ko pero ngayon, I need to share this to him.

"Siguro, naisip mo na din ito noon, na baka member ako ng mga Miller kasi Miller din ang last name ko. And you're right. I'm one of them, ang kilalang pamilya sa business world. Siguradong marami kang alam tungkol sa kanila dahil businessman ka rin naman, pero ang tungkol sa akin, wala talagang nakakaalam," napatungo ako sandali upang alisin ang luha na malapit ng pumatak pagkatapos ay nagpatuloy ulit ako sa pagpapaliwanag.

"Nasabi ko na sayo ang tungkol sa kapatid ko na nagpapahirap sa akin, that's Natasha, the face of Miller and the only daughter, yun ang tawag sa kanya. She's the reason why I run away," I let out a bitter laugh.

"Ang sama niya sa akin, kasi naman, gusto niya lahat ng atensyon ni papa at ni grandpa. Wala na din siyang tinira para kay kuya. Alam niya kasi na wala itong pakialam sa business kaya ako ang palagi niyang nakikita since close ako kay lolo, pero ngayon, hindi ko na alam kung ituturing pa akong apo ni lolo..."

"Complicated kasi e, bloodline is very important in our family, lalo na kay lolo. The fact na, wala talaga akong dugong Miller, it makes me afraid that grandpa can't accept me. I'm afraid they will find out that my mom, cheated. At alam mo ba ang masakit, dad also cheated, at si Natasha ang bunga nun pero tinaggap parin siya ni lolo since may dugo siyang Miller."

"Noong bata pa ako, ang saya-saya pa namin, pero habang tumatagal na, parang ang hirap ng huminga kasama sila. Si mama at si papa, palaging nag-aaway ng patago, si kuya palaging wala, si Natasha naman palagi akong inaaway. Everytime na bumibisita sina lolo, palagi nilang pinag-uusapan ang business and heiress, nakaka-pressure pero gustong-gusto yun ni Natasha."

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now