Chapter 45: To See the End

1.3K 24 3
                                    

“Yes, I’m with her.” Rinig kong saad ng pamilyar na boses sa harapan ko.

In that moment, alam ko na agad kung sino ang kasama ko at biglang bumuhos ang mga alaala na pinagsaluhan namin noong bata pa kami.

13 years ago... Hindi ko akalain na nakasalamuha ko na pala sila noon pa man. Sobrang bata ko pa noon at hindi ko ini-expect na may maaalala pa ako tungkol sa kanila.

I saw all of them many times in my grandfather's house.

The old man King who always visited my grandfather with his quiet grandson, Chase Nikolas King. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagbisita nila noon at kung bakit palagi nilang kasama ang batang lalaki sa kanilang usapan. Chase was just 12 years old back then, hindi ko masukat ang lawak ng kanyang isipan para makipagsabayan siya sa usapan ng matatanda, especially na tungkol iyon sa business.

That's why I'm not close with him, because he was always with the old ones. Kaya palagi akong nawiwerduhan sa kanya noon sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Tititig lamang siya sandali pagkatapos hindi na ako papansinin. Sobrang sungit niya noon at palaging seryoso.

Kaya ayaw kong maging kaibigan siya, because he looks so scary, until the great ARK came into my life, si Ayessha Roxie King. Isang araw, nakita ko na lang ang mag lolo na may kasamang isa pang bata, pero babae naman, sobrang ganda niya at ang tangkad pa, mas matangkad pa siya kay Chase noon pero mas bata siya ng isang taon.

Compared kay Chase, kabaligtaran ang ugali na nakita ko sa kanya. Palangiti siya at sobrang ingay, hindi rin siya kasama sa usapan ng matatanda, tanging si Chase lang talaga ang pwede.

Roxie reached me that time. Noong busy pa ako kakasilip kayna lolo sa pag-uusap nila at siguro, kahit na takot ako sa masungit na batang lalaki na yun, there's a part of me na sobrang curious about sa kanya.

"Did you know that spying someone is bad, little girl?" nagulat ako nang may matangkad na tao ang nasa likuran ko. Roxie was smiling at me that time and I can see amusement in her eyes as she watched me got nervous.

Tumitig lamang ako sa kanya. She's very unfamiliar to me but I know na kasama siya nina Chase. Natakot din ako dahil sa tangkad niya.

When I didn't answered her, she kneeled in front of me. "Do you want to play?"

That question excites me. Hindi ko na naisip na stranger siya, basta tumango na lang ako tutal nasa mansion naman ako ni lolo.

Niyaya niya ako sa garden at namitas kami ng mga bulaklak, nilagyan niya pa nga ako ng bulaklak sa tenga.

"Are you his sister?" I asked pertaining to Chase.

"Nope. I'm his cousin."

Tumango lang ako, at dahil curious akong bata, nagtanong ulit ako, "Hm. Then what is your name?"

"Roxie." Hmm... Roxie...

"You are Roxie King... and your cousin is Chase King..." Pagkukumpirma ko.

"Yeah, it's actually Chase Nikolas King and Ayessha Roxie King, how about you? What's your full name?"

"I'm Zabrina Haven Miller."

"That's a beautiful name," she smiled at me, "Haven..."

"No. Don't call me that."

"Bakit naman? Ayaw mo ba sa second name mo?"

"My sister also have Haven in her name. She doesn't want me to use it."

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now