Chapter 4: To Flatter Him

2.9K 48 15
                                    

Tinabunan ko ng unan sa aking mukha dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw, pero nang maramdaman kong parang may benda ulit ang aking paa ay agad akong bumangon.

Mahipid ang pagkakabenda unlike sa gawa ni Martin, hindi kaya, pumunta siya dito kagabi?

Agad kong chineck ang aking damit at ganun parin naman sa suot ko kahapon kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at wala siyang ginawang masama sa akin.

Bumaba ako sa kama at mag-lilinis na sana ng katawan when I saw a small white envelope on the bedside table.

Na-curious ako kaya agad ko itong binuksan at laking gulat ko nang mabasa ko ang nasa loob.

"C-congratulations, y-you are accepted in Maximo College!"

OMG is this real?! Wahhhhhh!

Nagtatalon ako sa sobrang saya dahil natanggap ako sa college! Oh my God, oh my God!

Habang nagsasaya ay bigla kong naalala ang demonyo kaya napatigil ako. Tiningnan ko ang envelope na may pagtataka.

Siya kaya ang naglagay nito dito?

Dali-dali akong bumaba at dumeretso sa dining room pero wala siya dun kaya pumunta ako sa sala at nakita ko siyang nagkakape na.

Before approaching him, I took a deep breath first para alisin ang aking kaba.

Lumapit ako sa kanya at tumigil sa may bandang kanan niya. Tumingin siya sa akin with his plain expression at nakita kong may hawak pala siyang tablet sa kaliwang kamay niya. Mukhang nagtatrabaho agad this early in the morning.

I slowly showed him the envelope then he put down the tablet on the small table beside his armchair.

"Congratulations." He said in monotone voice then I squeal in delight. Oh my God siya nga ang naglagay! Parang sinapian siya ng anghel para gawin to.

"Does it mean, you heard what I said last night?" Masaya kong tanong at tumango siya.

"Hmm."

I bit my lower lips to surpass a big smile but I failed miserably. I didn't know what to say but my body automatically bend down and I kissed him on his cheeks. I want to show him that I'm really thankful and I wish to flatter him on this day forward by kissing him in my own accord.

"Thank you." Malakas kong pagkasabi at aalis na sana ako para magsaya pa pero bigla niya akong hinila kaya napaupo ako sa lap niya.

Mahigpit ang pagkakapit niya sa aking bewang habang ang mga kamay ko ay nasa dibdib niya. "It doesn't mean you can do anything you want. I don't trust you." He said that made my face falls down. I retreated back pero mas pinaglapit pa niya ang mukha namin.

"Don't ever try to escape again because--this is your last chance. I will not show mercy if you failed this time." Every words he said felt like venom that I will die if I didn't obey it.

Oo na po. Hindi na nga tatakas eh!

I'm happy that he gave me another chance. Akala ko pa naman ay mahihirapan akong ma-convince siya dahil ayaw na niyang maniwala sa akin. Kailangan ko lang palang maging mabait para lumambot ulit ang puso niya sa akin.

I smiled then I gave him a peck on his lips pero hindi pa ata siya satisfied kasi binira niya ulit ang aking mukha at pinaglapat ang mga labi namin. He hungrily devoured my lips again and I open my mouth to give him an entrance. Mabuti na ang ganito, kesa naman para kaming pusa at daga na palaging naghahabulan. Bahala na sa future kung makakaalis ako o hindi, ang mahalaga ay ang ngayon, ang maka-survive ako sa kanya.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now