Chapter 17: To Confess the Truth

2.2K 36 1
                                    

We're currently at the expensive restaurant and he really prepared a grand dinner for the both of us. Masyadong madaming pagkain para sa aming dalawa. Simula nang pumasok kami dito ay pinagtitinginan na siya ng mga babae. Tss. Lapitin talaga ito ng chicks.

"I'm planning to introduce you to my grandmother this coming Saturday." Muntikan na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Agad akong kumuha ng tubig dahil sa pag-ubo sabay titig sa kanya ng hindi makapaniwala.

I-ipapakilala na niya ako?

"After this past months na hindi mo ako binigyan ng sakit ng ulo, I think you're ready to face her, especially now that you're a top 1."

"P-pero, hindi ko pa alam kung anong mga gusto ni grandma, pwede bang this Sunday nalang? Sabihin mo muna sa akin ang mga do's and don'ts bago mo ako ipakilala, at saka, kinakabahan ako."

Bakit ba kasi bigla nalang siyang nagdesisyon ng ganito?

"Just act like how you are now and not the Zabrina I know before. I'm sure magugustuhan ka niya. There's no need to be worried."

Shaks. Ikaw kaya ipakilala ko sa family ko, hindi ka kaya kabahan? Instead of arguing, I deeply sigh at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"But, if you didn't tell me what happened to your lips, I might, punish you really hard." Napalunok ako ng sunod-sunod at nag-smirk pa siya nang makita ang reaksyon ko. Akala ko ba okay na bakit tinatanong na naman niya ito?

"Sinabi ko na ngang wala lang ito ba't ba mapilit ka?"

"Mostly kapag sinasabing wala, meron talaga."

I tried to roll my eyes at him pero hindi nga pala ako marunong kaya pinanlakihan ko nalang siya ng mata.

"For how long will you pretend Zabrina?" He asked in low tone habang ginagayat ang kanyang pagkain.

Huh? What does he mean? Natigilan ako dahil sa tanong niya. Can you be more specific? Hindi yung pinag-iisip ako kung anong tinutukoy niya.

"It's been months, do you think I wouldn't know about it?" He asked with a tone.

"A-ano bang sinasabi mo?"

"I tried to act na hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo sa school, but now I wanted to know why you keeps on putting ugly make up?"

Ah, y-yun b-ba. Ang tanga ko naman para maniwala na wala siyang alam. Siguro matagal ng sinabi ni Roxie sa kanya ang tungkol dun at nagpanggap lang siya na hindi niya alam.

"I--" he didn't let me finish at agad siyang nagsalita.

"I know it's not about me anymore." He stared with a serious look.

Kung alam niya pala, bakit clueless parin siya about kay Natasha? Talaga bang wala siyang alam sa background ko? Pero impossible yun. Kung interisado talaga siya sa akin ay aalamin niyang lahat.

Hayys.

I slowly put down my fork and knife then I stared at him. Should I tell him about my family? He's in the business world at paniguradong kilala niya ang family ko. Pero paniguradong magtataka siya na may isa pa palang anak na babae sa pamilya Miller at hindi lang si Natasha.

"I actually met my sister when I entered college and, we're in the same class." I confessed at napatigil siya sa pagkain. He look at me pero hindi ko mabasa ang expression niya.

"Hindi ako nagkukwento sayo noon kasi--complicated ang family ko at, hindi ka rin naman nagtatanong tungkol sa background ko, that's why I chose to keep it by myself." I started to explained at tahimik lang siyang nakikinig.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now