Chapter 14: To Be Okay

2.4K 34 2
                                    

Sobrang tahimik sa mansion ng buong weekends at hindi ko rin nakita si King. Sabi ni Martin nag-o-overtime daw sa trabaho pero feeling ko hindi niya lang ako kayang tingnan dahil nagi-guilty siya sa nangyari.

I'm already back in school pero hindi ko sinunod ang sinabi niya na wag na akong mag make up. Kailangan ko kasi ito para protektahan ang aking sarili kay Natasha.

I'm currently at the president's office, pinatawag kasi ako kanina nung vacant time namin pero hanggang ngayon ay wala parin si Roxie dito, halos kalahating oras na akong naghihintay sa kanya.

Sa sobrang bored ko ay tumayo ako upang tingnan ang mga naka-display at puro landscape painting lang naman bukod pa sa mga trophies and awards. I went in front of her table at tiningnan ang kanyang pangalan na naka-ingrave sa isang marble.

Ayessha Roxie King. In fairness, ang ganda ng buong pangalan niya. It suits her well.

"I'm sorry, did you wait too long?" Napalingon ako sa may pintuan at nakita kong dumating na pala siya. Bumalik ako sa may couch at binati ko siya. She's just smiling at me at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Should I say thank you for saving me last time?

"Are you still going to act like you didn't know me? Zabby." I stared at her looking surprised. So alam na niya pala nung una palang? Bakit nagpanggap din siyang hindi niya ako kilala? Tss.

"W-why didn't you told me?"

"Because I don't want you to be embarrassed in front of me with a heavy make up like that. And it's obvious that you didn't want to see me at the first place."

"I didn't know that you own this school." I said at tumawa siya.

"Hindi ba halata? Kung sabagay, sa ganda kong ito mas bagay sa akin ang maging model." Sobrang taas talaga ng confidence nito.

Taking a deep breath, I gather my courage to say thank you to her. "I heard that you saved me. T-thank you." I sincerely said.

Pero naiinis ako because she kept her mouth shut about what happened.
Bruhang 'to. Alam naman niya kung anong nangyari sa akin pero hindi man lang pinaalam sa pinsang niyang demonyo. Gusto ata nitong mamatay na talaga ako! Kung sinabi niya agad edi hindi na sana ako nasaktan. Hayyysss.

"Your friend also helped me. I didn't expect that the one who bullied you will end up being your friend. She's really concerned, you should be thankful to her too. And about sa mga nambully sayo, they are already expelled." Mabuti naman at wala na ang mga loko na yun dito.

"Hmm. I will talk to her later. I just want to know this one thing, bakit hindi mo pinaalam kay Chase ang nangyari? You just left me hanging at hinayaan na masaktan niya ulit." I asked firmly pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin ng matagal then pumunta sa kanyang swivel chair upang umupo ng kumportable.

"Because I wanted to know if he trust you." She replied with a smile, "I'm really surprised when I found out na pinayagan ka niyang umalis ng mansion para lang mag-aral. How did you do it? Did you gave him your v-card already?" Napapikit ako at napakapit sa aking sentido dahil sa tanong niya. Tss. Yun na naman ang nasa isip niya.

"Magpinsan nga talaga kayo. Bakit ba puro kabastusan nalang nasa isip mo?"

"I'm just asking the possibility, hindi yun kabastusan."

Possibility? Tss. Nakakainis siya. Does she thinks that I will easily spread my legs just to get what I want?

"Hindi ko binigay okay!" I shouted dramatically but she leaned her back on her chair while her chin is resting on her right hand.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now