Chapter 30: To Visit Him

1.5K 30 2
                                    

Mabuti nalang at wala kaming klase sa last class namin, may meeting kasi ang faculty kaya maaga kaming pinauwi ngayon.

Nandito ako ngayon sa labas ng school habang hinihintay ko si manong, binilisan ko talaga ang pag-aayos ng mga gamit ko kasi excited ako ngayon sa plano ko. Naka-jeans and hoddie ako tapos may cap narin at mask kasi maaga pa baka may makakita ng bare face ko, aalisin ko nalang sa kotse mamaya.

Napatingin ako sa aking relo kasi ang tagal dumating ng sundo ko. Anyway, si Nica nasa dorm parin kasi may gagawin pa daw siya kaya nauna na ako.

Napangiti ako ng malaki nang matanawan ko ang sundo ko sabay kumaway ako para alam ni manong na ako ito.

"Pasensya na ho ma'am, medyo traffic po kasi kaya na-late ako." Saad ni manong nang makarating, pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nagpasalamat ako.

Sa totoo lang dapat ako nalang ang nagbubukas ng pinto pero mapilit si manong eh kaya pinabayaan ko nalang. Baka daw kasi magalit si Chase kapag nalaman yun.

"Ahh manong, sa King Enterprise po tayo ngayon." Excited kong pagkasabi.

Nakita ko ang reaksyon ni manong sa rearview mirror at gulat na gulat siya, "P-po? Bakit ka po dun pupunta?"

"Bibisitahin ko lang si Chase."

"Alam po ba ito ni sir?"

"Surprise visit ito manong, don't worry, akong bahala kung ano man ang mangyari."

"S-sige po ma'am."

Tumango nalang ako at dumungaw sa bintana. Traffic nga talaga, palagi naman eh.

Nang makarating kami ay nag-aalinlangan pa si manong, "Sigurado po kayo na magiging okay ka?"

"Oo naman po manong, hindi ka po ba na-update na okay na kami ni Chase? Kaya chill ka lang po, hintayin mo nalang po ako, di naman po ako sasabay kay Chase pag-uwi kasi alam ko na busy siya."

"S-sige po ma'am." Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto dahil inunahan ko na siya.

Hindi ko ini-expect na ganito kalaki at kaganda ang company ni Chase. Sa pictures ko lang ito nakikita noon tapos ngayon, nandito na ako sa pinakang harapan ng King Enterprise.

Ang sarap gumala kapag ganito ang pupuntahan, sosyal.

Nagtungo ako sa lobby kaya bigla akong kinabahan. Ngayon ko lang na-realize na nobody nga lang pala ako dito, tapos surprise visit pa'to, paano ako makakarating kay Chase?

Hayyyss... Di ako nag-iisip ehh.

Pinagmasdan ang mga tao na labas masok sa building, mukhang mga busy silang lahat. Habang nagmamasid ako at nagmumukha na akong tanga ay bumagsak ang tingin ko sa receptionist. Nahihiya akong lumapit, paniguradong tatanungin nila ako kung may appointment ba ako o hindi.

Uwi nalang kaya ako?

Kusa nang naglakad palabas ang mga paa ko pero gusto ko talagang makita si Chase, gusto ko siyang makitang nagtatrabaho sa office niya. Tumigil ako sa paglalakad, "Kaya mo'to Zabby." Pagpapalakas ko sa aking sarili. Muli akong naglakad papasok, derederetso patungo sa receptionist.

"Yes ma'am, what can I help you?" Tanong ng babaeng matangkad, nakangiti siya sa akin habang kinikilatis niya ang hitsura ko.

I cleared my throat nervously, "Pwede ko bang maka-usap si Chase?"

Napataas kilay siya dahil sa sinabi ko, "May appointment po ba kayo?"

"Ah eh..." Ano bayan, hindi ko naman pwedeng sabihin kay Chase na nandito ako, hindi na surprise yun.

His Precious PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon