Chapter 1: To Plead to Him

4.4K 62 10
                                    

Ilang oras din ang lumipas nang iwan niya ako sa kwarto at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Hindi ko alam kung babalikan niya ako para tapusin ang gagawin niya kanina pero sana wag na. Sana kapag bumalik siya ay hindi na mainit ang kanyang ulo.

Bumangon ako sa aking kama at nakita ko ang kalat sa aking kwarto, puro basag at sobrang gulo. Bumaba ako ng kama ngunit hindi ko makita ang aking tsinelas kaya naman iniwasan ko nalang ang mga bubog. Gusto kong lumabas dahil hindi pa ako kumakain ng hapunan. Siguro naman ay wala siya dito sa mansion dahil sa emergency kanina.

Dahan dahan akong lumabas ngunit may maliit na bubog akong natapakan. Napaiyak ako sa sakit at kita ko ang dugo na umaagos sa aking talampakan, gayunpaman ay ininda ko ang sakit at patuloy na lumabas.

Magpapatulong nalang ako kay nanay Rosa na gamutin ang sugat ko. Siya lang ang tanging taong nakakaintindi sa akin dito, pero katulad ng iba ay takot din siya sa amo niya kaya naman wala siyang magawa sa tuwing sinasaktan ako ng demonyong yun.

Paika-ika akong bumaba ng hagdanan at dederetso na sana ako sa kusina nang makarinig ako ng ingay sa sala, sigaw at iyak. Tumungo ako doon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang taong duguan, bulbog sarado at ang carpet sa sala ay kulay pula na sa dami ng dugo.

Tinuon ko ang aking atensyon sa lalaking nakaupo sa armchair, nakatalikod siya pero alam kong siya yun, nakatayo sa kanyang kanan ang kanang kamay niya na tila ba kinakabahan sa nangyayari. Alam kong mas takot siya sa boss niya kahit na pinagkakatiwalaan siya nito.

Pero sino ba naman ang hindi matatakot sa demonyo na yan.

Makailang beses na ding nagmakaawa siya sa akin na huwag galitin ang kanyang boss dahil tila ba magugunaw ang mundo sa tuwing nandidilim ang paningin nito sa akin.

Mabilis ang tibok ng aking puso sa kaba. Pinanunuod ko lang ang nangyayari at tila ba hindi nila nararamdaman ang presensya ko.

"Parang awa mo na Mr. King, wala talaga akong kinalaman sa pag-sabotage na binibintang ninyo sa akin. Tapat akong nagtratrabaho sa inyo!"

"Sa akin ba talaga o, sa mga kaagaw ko sa negosyo? Sabihin mo, sino ang nag-utos sayo na traydurin ako!" I flinched when he shouted kaya naman nakalikha ako ng mahina na tunog pero naagaw agad nun ang atensyon nila.

Napaatras ako nang makita ko na naman ang mga mata niya nang lumingon siya sa akin, ganun parin sa kanina, mukhang galit na galit. Napatingin ako sa kanang kamay niya na napailing nalang, tila ba ay natatakot siya para sa akin.

I focused my attention to him at tumayo siya, dali-daling pumunta sa akin na para bang lalapain ako ng buhay. Kahit anong atras ko ay mabilis siyang nakalapit, mahigpit na kinapitan ang aking mga braso, I whimper because of pain and my tears started to fall again.

"What are you doing down here!? Tatakas ka na naman ba!?" I hurriedly shakes my head at inilapat ang aking mga palad sa kanyang matigas na dibdib.

"H-hindi ako t-tatakas." Sagot ko habang umiiyak.

"Sinungalin!"

Napapikit ako sa lakas ng boses niya, mas galit pa siya sa akin kaysa sa empleyado niya sa sala. Alam kong ilang beses na din akong tumakas sa kanya at ngayon ay ayaw na niyang maniwala sa akin. Kahit naman makalabas ako dito ay palagi niya akong nahahanap.

"Hindi t-talaga ako t-tatakas." I keep on crying pero talagang tumigas na ang puso niya pagdating sa akin. He laughed with full of sarcasm sabay hila sa akin pabalik ng hagdanan pero sadyang masakit ang sugat ko sa paa kaya nahihirapan akong lumakad.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now