Chapter 10.2: To Have a Friend (Part 2)

2.3K 34 1
                                    

Nica and I are in different sections kaya bihira lang kami magkita, maliban nalang every morning and lunch. Salitan kasi ang schedules namin at late palagi ang uwi niya tuwing hapon.

I can say na masaya talaga siyang kasama at nanlibre din siya kanina. Hindi naman pala siya ganun kamaldita. Ni hindi nga niya pinapansin kung pinagtitinginan na din siya.

Gusto ko man siyang kasama ngayong hapon sa pag-uwi ay hindi pwede kasi may klase pa siya. Mabuti nalang at walang gaanong pinagawa sa amin ngayon, at wala ding assignments, hehe makakapag-relax na din ako.

"Zabrina, wait!" Lumingon ako sa tumawag at sumama na naman ang mood ko dahil sa boses niya.

Ano na naman ang kailangan niya sa akin? I displayed a displeasure on my face nang makita ko na naman si Niko na papalapit sa akin.

Hindi niya ba ako tatantanan?

Malaki ang ngiti niya sa kanyang mukha at para bang kanina niya pa ako binabantayan, "Let's go outside, libre kita sa street foods." Masaya niyang sabi. Nakasimangot na nga ako sa kanya pero wala man lang siyang pakialam sa mood ko.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko sayo kahapon?" I ask maintaining my calm tone pero mas lalo pa siyang ngumiti.

"Aisshh, alam ko naman na nagbibiro ka lang eh. Sige na please? Sama ka na sa'kin." Nagpacute pa talaga ang loko kala mo naman ay magugustuhan ko ang tipo niya. Kung totoo lang sana siya ay pwede ko siyang maging kaibigan, pero hanggang ngayon ay mabigat parin ang pakiramdam ko sa kanya.

I glared at him and said, "Please stop bothering me." Tumalikod ako sa kanya at mabilis na naglakad. Wala akong panahon na makipaglokohan sa kanya.

"Then I'll see you tomorrow!" He shouted, kahit na medyo malayo na ako.

See you mo ang mukha mo. Hindi na ako magpapakita sayo.

***

Dorm, 6:30 pm:

Boring din pala kapag walang kadorm mate no? Haysss. Bakit kaya hindi pa tumatawag si Chase? Hindi sa nami-miss ko siya huh pero di niya ba ako nami-miss? Tss. Kung ano-ano nalang tumatakbo sa isip ko dahil wala man lang ako magawa dito.

I lay down on my bed at nag-scroll ulit sa social media ni Kuya brad pero inactive parin siya this past few weeks. Wala man lang siyang bagong post.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto na siyang nagpatigil sa akin.

Hmm? Sino naman kaya yun?

Si Chase? Tss. Hindi eh, kasi basta nalang yung papasok dito ng walang paalam.

Si Martin? Hmm. Posible, baka may iniutos si King.

Agad akong tumayo at sumilip sa labas pero nagulat ako nang makita ko si Nica.

"A-anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong at ipinakita niya sakin ang pack foods sa kaliwat-kanan niyang kamay. Binuksan ko ng malaki ang pinto at pinapasok siya.

"Wow. Ang ganda ng kwarto mo huh. Ikaw lang ata ang walang ka dormmate dito."

"Talaga?"

"Hmm." She nodded at ibinaba ang mga pagkain sa lamesa. "Naisipan ko na dito nalang mag-dinner kasama mo since umalis yung ka dormmate ko. Kumain kana ba?"

Oo, kanina pa. Sagot ko sa aking isipan pero ngumiti nalang ako at bahagyang tumango.

"Sige, sasaluhan kita kahit na konti lang ang kakainin ko, medyo busog na kasi ako."

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now