Chapter 11: To Have a Problem

2.3K 40 0
                                    

Thursday 7:15 am:

Hindi talaga lilipas ang araw ko na may katahimikan dahil sa taong ito. Wala talaga akong takas sa kanya. Nakasurimpat ako sa kanya while my arms are crossed in front of my chest.

Medyo masakit din ang ulo ko dahil dinaldal ako ni Nica buong magdamag, at dun na din siya nakatulog. Tss. Porket hindi maaga ang first class niya ay okay lang na malate siya ng gising.

Napabuntong hininga nalang ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Mas lalo niya lang dinadagdagan ang sakit ng ulo ko at mali-late na din ako sa klase kapag hindi pa niya ako pinadaan.

"Sige na please, tanggapin mo na itong bulaklak." Kanina niya pa pinipilit eh sabi ko na ngang ayaw ko. Ang gandang isupalpal sa mukha niya ang bulaklak na dala niya. Hindi yata siya marunong umintindi eh. At saka ayaw kong magdala ng bouquet sa loob ng klase, baka pag-usapan na naman ako ng masama.

Tss. Gulo lang talaga ang dala sa akin ng Niko na ito. How do I make him stop?

"Mali-late na ako sa klase, pwede ba padaan niyo na ako?" Saad ko habang pinanlilisikan ng tingin ang dalawa niyang kasama na nakaharang din sa hagdanan. Nagsama pa talaga siya ng mga underlings niya.

He shakes his head at pilit niya paring ibinibigay ang bulaklak but ai stayed stern in front of him. "Mahirap bang tanggapin tong bulaklak na ibinibigay ko?"

"Mahirap bang intindihin na ayaw ko ng bulaklak mo? Bakit mo ba ito ginagawa? Ilang beses ko bang sasabihin na wag mo na akong guluhin? Wala ka bang ibang mapaglaruan huh." I maintained my cold tone pero hindi siya natinag.

"Bakit ba pinipilit mong pinaglalaruan lang kita?"

"You can't fool me. Bakit hindi mo nalang sabihin sakin kung ano ba talagang kailangan mo? Hindi yung kung ano-anong ginagawa mo na nagmumukha ka na ding tanga."

He laughed sarcastically as if he reached his temper at tumingin sa akin ng masama. "Tss. Ang hirap mong suyuin, I'm being nice to you pero pinag-iisipan mo parin ako ng masama?" Saad niya sabay tapon ng bulaklak sa sahig na siyang ikinagulat ko.

Shaks, ito na ba ang totoong ugali niya? Paano kung i-bully na niya talaga ako?

"Fine. Kung ayaw mo talaga ng maayos na usapan, I'll make sure to get you in a rough way." He spit out like a venom at unti-unti siyang lumapit sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

Buisit ano ba talagang kailangan sa akin ng lokong ito para maging desperado ng ganito?

I step back pero pareho kaming napatigil nang, "That is not the best way on how to get a woman's heart." Napatingin kami sa nagsalita at hindi na ako nagulat nang makita ko si Roxie na nakingiti sa amin na para bang ini-enjoy niya ang nakikita. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya and she's acting all cool in front of the boys. Agad naman na nag-behave yung tatlong lalaki samantalang ako ay nakasurimpat lang sa kanya.

"P-president." Kabadong bati ng tatlo habang nakatungo at medyo nakadistansya na din sila sa akin.

I already know that Roxie is always doing her morning rounding here kaya hindi na ako nasu-surprise kung palagi kaming magkita tuwing umaga.

Tumingin siya sa akin ng hindi naaalis ang ngiti sa kanyang labi, "Tss. Tss. Seems like you're gaining more attention, miss clown." Bulong niya sa akin.

His Precious PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon