Chapter 7: To Meet the President

2.5K 34 11
                                    

Ang sarap sa pakiramdam nang makapaglinis ako ng aking katawan at mukha.

Hindi kaya magka-allergy ako nito dahil sa make up? Ay bahala na nga!

I seated on the chair at inilabas ang mga gamit ko to do my assignments. First day of classes my assignments agad.

Inuna kong sagutan ang assignments ni Natasha at hindi ko mapigilang hindi mainis habang nagsasagot ako. Kulang nalang ay gurihan at punitin ko ang notebook niya sa galit. Kung pwede lang ay ginawa ko na.

I stretched my hands and neck nang makatapos ako sa pagsagot sabay higa sa kama.

Wahhhh ang sarap matulog kapag malayo sa demonyo. Gabi-gabi nalang akong nag-aalala na baka pasukin niya ang kwarto ko at may gawin siyang masama sa akin. I let out a satisfying sigh sabay niyakap ang aking unan. This feel so good! Ngayon lang ulit ako makakatulog ng hindi nag-aalala sa kanya.

I closed my eyes at matutulog na sana nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Wait. Naalala ko may bagong cellphone pala ako. Syempre, hindi kasi makatiis si King na hindi ako kakausapin.

Siya lang naman ang contact ko dito.

I lazily get my phone at nakita kong tumatawag siya. Tss.

"Hello?" I said in low tone.

"Where are you?" Tss. Malamang nasa dorm.

Ipinikit ko nalang ang aking mata at humiga habang nakapatong ang cellphone ko sa aking kaliwang tainga.

"I'm already at my dorm."

"Hmm."

Parang hindi siya naniniwala ah? Akala ba niya ay tumakas na ako? Wala talagang tiwala sa akin.

"I missed you." Saad ko para naman hindi na siya magalit. Ilang minuto din ang lumipas pero hindi siya sumagot kaya chineck ko kung on-call parin kami. Tumatakbo parin naman ang time, bat natameme 'to?

"Hello?"

"What do you want?" Malamig niyang tanong. I creased my forehead at nasasaktan na talaga ako dahil ayaw niyang maniwala sa akin. Hindi ba porket nagsabi ako ng I miss you ay may kailangan na ako sa kanya?

"You didn't missed me?" I asked in lonesome tone then I heard him sigh. I just want to earn some points to him. To earn his trust again.

"Of course I miss you, I'm even planning to get you there in the middle of the night. Now tell me what do you need?"

"I don't need anything. Wala ba akong karapatan na maging sweet sayo?"

"Hmm. Every time you do that it feels like you wanted to escape again."

"I will not escape. Kapag tumakas ako, kill me if you caught me again." I replied in serious tone. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob kong kausapin siya ng ganito, pero kapag nasa harapan ko naman siya ay nangingilig ang buong katawan ko sa takot.

Ang tagal naman sumagot nito?

"Okay. Study hard. Good night."

O-okay? Ibig sabihin papatayin niya talaga ako? Naku naman, nagjojoke lang naman ako, hindi na talaga ako tatakas. "G-Good night." I replied in nervous tone.

Tinitigan ko ang aking cellphone habang hinihintay kong i-end niya ang call pero hindi niya parin ginagawa. Tss. Ako nalang kaya. I hurriedly tap the end call at nag-alarm na din para bukas. I need to wake up early dahil ibibigay ko pa kay Natasha ang assignment niya.



His Precious PropertyWhere stories live. Discover now