Chapter 2: To Be a Good Girl

3.5K 57 4
                                    

I slightly opened my eyes because of the sun rays piercing through my open window. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa nangyari kagabi. I seated on my bed at tiningnan ang aking paa na may benda. Mabuti nalang at hindi na niya ako binalikan dito nang matapos akong kumain.

Lumingon lingon ako at nakita kong malinis na pala ang aking kwarto, bago na din ang mga gamit at mukhang umaliwalas ang paligid.

I need to change myself for him. If I needed to please him all the time then I will do it. Siguro, kung magiging masunurin lang ako sa kanya ay baka ibigay niya ang lahat ng gusto ko, pati ang aking kalayaan.

Tumayo na ako upang maglinis ng katawan at para narin makakain ng breakfast. Hindi ko alam kung paano lilinisin ang aking sugat kaya tinanggal ko nalang ang benda kahit na medyo masakit parin. I just comb my raven hair at hindi na nagpulbo kasi maputi naman ako, pero tinakpan ko ang aking mga pasa sa leeg.

After I'm done, paika-ika akong bumaba papuntang dining room at nakita ko siya dun na kumakain na, pero natigilan ako nang makita ko ang pinsan niyang si Roxie na kumakain din. Minsan ko lang siyang nakikita dito at hindi ko alam kung anong sadya niya sa tuwing nandito siya. Maganda siyang babae at fashionista pa, lahat na siguro ng lalaki ay nagkakandarapa na sa kanya.

Magaganda at gwapo talaga ang lahi ng mga King.

Natigilan sila sa pagkain habang nakatingin sa akin samantalang si nanay Rosa ay tila ba nakakita ng multo.

Oo nga pala, dahil sa matigas ang ulo ko ay hindi ako sumasabay ng pagkain sa kanya. Kaya siguro sila nagtataka kung bakit ang aga ko dito.

"Si Zabby na ba yan?" Masayang tanong ni Roxie sabay tayo upang hilahin ang bangko sa tabi ng demonyo. Tss. Dun pa talaga ako pinaupo eh pwede namang sa tabi niya. Matagal din kaming hindi nagkita kaya siguro nanibago siya sa hitsura ko, bihira lang kasi ako mag-ayos at sinasadya ko talagang magpapangit para ayawan na niya ako pero wah-epek sa demonyo.

Matagal na din akong nandito at sa tuwing nakakausap ko si Roxie ay palagi niya akong sinasabihan na sundin nalang ang gusto ng pinsan niya. Kaya nga ayaw ko sa kanya kasi mas kinakampihan pa niya ang demonyo kaysa sa akin. Minsan ngang nakita niya akong may pasa pero imbes na magalit siya sa pinsan ay ako pa ang napagalitan. Ang tigas daw kasi ng ulo ko.

"Here Zabby, mabuti naman at napaaga ka ng gising, join us." She tapped the chair kaya naman umupo na din ako sabay balik niya sa kanyang upuan which is opposite to us.

Nilagyan ako ni nanay Rosa ng pinggan at pagkain at tahimik lang ako na kumain, ganun din sila.

"Sooo, Zabby, how are you?" Masayang tanong ni Roxie. Hindi ko maalala kung kailan siya nagsimula na tawagin akong Zabby eh hindi naman kami close.

"I'm--f-fine." Bahagya siyang napatingin sa demonyo niyang pinsan na para bang nagtatanong. Kasi naman, kung ako parin ang dating Zabrina ay paniguradong tinarayan ko na siya. Kaya siguro nagtataka sa kilos ko ngayon. Mahina lang ang boses ko at hindi nakakunot ang aking noo.

"Hmm. I heard you escape again last week. How was it?" I pressed my lips together at bahagyang lumingon sa katabi ko.

Kinabahan na naman ako kasi baka magalit na naman siya. Kaya lang naman ako nakatakas ay dahil nagsinungalin ako sa kanya, kaya sobrang galit niya sa akin kagabi.

Bakit pa kasi tinanong ni Roxie ang tungkol dun, pwede bang change topic nalang? Baka maalala na naman ng demonyo ang kasalanan ko at mag-init ang ulo. Siguradong patay na naman ako.

Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi, mabuti nalang at save by the bell ako dahil dumating si Martin na may dala-dalang papeles. Nagulat din siya nang makita akong kumakain kaya napakunot ang noo niya nang magkatinginan kami.

His Precious PropertyWhere stories live. Discover now