Chapter 34: To Be Caught

1.4K 25 5
                                    

Third Person's POV

Nag-ayos ng mabuti si Zabrina upang maging presentable naman siya kung sakali ngang dumating si Chase at nilinis niya din ang kanilang kwarto. Halos kalahating minuto na ang lumipas simula nang umalis ang kaibigan niya at medyo naiinip na siya kakahintay.

Imbes na tumigil siya sa loob ay napagdesisyunan niyang maghintay nalang sa labas, malalim na rin ang gabi kaya malakas ang loob niyang lumabas na walang make up.

Sa kabilang banda, habang naglalakad siya sa pathway patungo sa labas ng gate ay may nagmamasid naman sa kanya, simula pa nang siya ay lumabas sa kanyang kwarto. Wala siyang kaalam-alam.

She excitedly walks as she reach the gate, looking for a familiar car but there's none. She disappointedly sigh. Waiting patiently, she remained standing outside until she saw a blinding light from a car, coming towards her. Napangiti siya ng malaki, kahit na madilim ay alam niyang si Chase ang papalapit sa kanya.

Nang tumigil ang sasakyan sa kanyang tapat ay lumabas ang lalaking kanina pa niya hinihintay.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Takang tanong ng lalaki.

"Huh? Ah eh...nagpapahangin."

"Sa labas ng gate?" He raised his left eyebrow suspiciously.

"Okay fine. Hinihintay kita." He smirk with satisfaction as he went closer.

"Pancit canton said that she'll be on date for an hour at wala kang kasama, so I'm here."

"Nica nga hindi pancit canton, ayaw niya ng nickname na yun."

"She said it's fine."

"Ah ganun, kapag ako hindi okay pero kapag ikaw ang tumawag okay lang?"

Tumango ang lalaki.

She tsked. "Bahala ka nga jan."

Babalik na sana siya papasok pero bigla siyang binira ng lalaki.

"Don't tell me you're jealous?"

Napatawa nalang si Zabrina, "Ha? Hindi 'no." Masungit niyang tugon sabay inalis ang pakakapit sa kanya.

Chased laughed a little while shaking his head, he loves teasing his girl, "Did you eat already?" He asked to change the topic.

"Hindi pa, ikaw?"

Umiling din ito, "There's an open restaurant nearby, kumain muna tayo bago bumalik sa dorm." Pagyaya pa nito.

Umakbay nalang si Chase habang naglalakad sila, pero hindi nila alam na may mga matang nanunuod sa kanilang dalawa at kinukuhaan sila ng litrato.

Sinundan sila nito hanggang sa makarating sila sa isang maliit na restaurant. Napangiti ito na tila ba nakahuli siya ng malaking isda, hindi niya akalain na ganito ang hitsura ng babaeng kinaaayawan niya, at isa pa ay may gwapo itong boyfriend na kinikita tuwing gabi. Matapos panuorin ang dalawa mula sa labas ay umalis na din ito nang makakuha ng magagandang anggulo.

Hindi rin nagtagal at bumalik din agad ang dalawa sa dorm matapos kumain.

"Ang tagal na din simula nang pumunta ako dito sa dorm mo." Chase said while exploring the room.

"Naglinis pa talaga ako para sayo huh."

"I see. Excited ka talaga sa pagpunta ko dito." He replied teasingly.

"Anong excited, hindi 'no. Naglinis lang talaga ako kasi nakakahiya naman sayo mr. King."

"Is that so?" Dahan-dahan itong lumapit kaya napaatras si Zabrina haggang mapaupo siya sa kanyang kama.

His Precious PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon