Chapter 28: To Have a New Enemy

1.6K 27 1
                                    

Pauwi na sana ako sa dorm dahil mabilis natapos ang klase ngayong araw, pero nawala bigla sa isip ako na palagi nga pala akong target ng mga bullies. Kaya heto ako ngayon, pinagpipyestahan ng dalawang malditang babae at isang lalaki. Kanina pa nila ako kinukutya at kinukunan ng videos.

Yung lalaki ang kumukuha ng videos tapos yung isang babae naman naka-poytail at taga suporta lang, "Diba sabi ko tumingin ka sa camera huh!" Biglang kinapitan ng isa pang babae ang aking mukha upang tumingin sa camera, nakababa ang buhok niya at mukhang mas masungit kaysa dun sa isa.

Sa totoo lang hindi ko sila kilala kahit na mga pamilyar, mga taga ibang section yata. Pinilit kong alisin ang kamay niya sa mukha ko pero mas lalo akong nasasaktan kapag nanlalaban ako. Naramdaman ko nalang na namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Nabubuo na ang galit sa dibdib ko pero wala akong magawa kasi naman, kanina pa nanunuod si Natasha sa di kalayuan. Tinotoo nga niya ang mga pananakot niya. Paniguradong tuwang-tuwa siya na nakikita akong binubully.

"Ano ba! Ngumiti ka naman! Ang pangit-pangit mo na nga tapos di ka pa ngingiti!?" Nagtawanan lang sila dahil sa sinabi ng babae na malapit sa akin.

"Ano ka ba! Kapag ngumiti siya, lalo lang magiging creepy ang mukha niya kaya wag nalang." Pangungutya pa ng lalaki habang inilalapit sa akin ang cellphone niya.

"Ayusin mo kasi ang pagvi-video, ang hirap na nga niyang kunan eh!" Gusto ko nalang tumungo pero sa tuwing gagawin ko ay pinipilit nila akong tumingin sa camera.

"Ano wala ka bang sasabihin? Magpakilala ka naman sa harap ng camera!" Saad ng babae na naka-ponytail but I remain silent.

Tumaray ang mukha nung isang babae na kanina pa hinahawakan ang mukha ko. "Magpakilala ka daw! Ano ngayon pipi ka narin?" Tinulak-tulak niya ang ulo ko.

I closed my eyes sa sobrang galit. Hindi ko na ito kaya.

Nang subukan niya ulit itulak ang ulo ko ay agad kong tinapik ang kamay niya. Napatawa siya dahil sa ginawa ko. Pinanlisikan ko siya ng mata pero nakangiti lang siya, halata na mas lalo siyang nainis sa akin. "Aba, lumalaban kana?"

"Ohhhhh....." Sabay-sabay na pang-uuray ng dalawang kasamahan niya. Hindi ako nagpatinag sa kanya. I didn't flinch while staring at her.

"Ayusin mo yang mata mo huh, kung ayaw mong tusukin ko yan ng ballpen!" Saad niya, sabay hinawi pa niya ang kanyang buhok sa inis.

"Try it." Maikli kong saad kaya natigilan sila.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kaya agad niya akong sinunggaban at kinapitan ang kuwelyo ko. "Gusto mo talagang masaktan ano?!"

Hindi ko na talaga kaya, naiinis na ako sa ganito, "I said try it, puro salita ka lang ba? Tusukin mo ang mata ko kung kaya mo." Panlalaban ko kaya tinulak niya ako sa dingding dahil sa galit niya.

"Sumasagot na siya, masaya 'to." Saad ng lalaki.

Hindi man lang nagbago ang expression ng mukha ko at nanatiling nakatitig sa babaeng ito. Namumula na ang mukha niya dahil sa galit, pagkatapos ay kumuha talaga siya ng ballpen sa bag niya.

"Woah woah! Gagawin mo talaga?!" Sigaw ng kasamahan niya, mukhang nagulat sila pero ako hindi.

Hindi ako natatakot. Subukan nga natin kung kaya niya talaga.

Mahigpit ang pagkakapit niya sa kanyang ballpen, G-tech pa nga, .03. Delikadong gamit kapag nasa kamay ng kaaway at taong galit.

Tinulak niya ang aking kanang balikat gamit ang kanyang kaliwang kamay upang idiin ulit ako sa dingding kaya mukhang mas nagulat pa ang mga kasamahan niya.

His Precious PropertyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant