"Lezgo?" Tanong ni Dad.

"Tara."

Ilang minuto na ang nakalipas, nakarating kami ni Mom at Dad sa bahay ni Tito Franco at agad agad naman kami bumaba.

"Tito Jin! Tita Camilla!" Paglapit ng asungot na yan na ikina-ngiti nila.

"Josiah! Kumusta na?" Tanong ni Dad.

"Okay lang naman po. Buti naman kasama niyo po si Calla." Sambit niya na ikinairap ko.

"Pasok po kayo." Pagyaya niya na ikinasunod namin.

"Hoy hoy hoy! Ngayon lang talaga kayo nagpakita ah!" Singhal ni Tita Giselle.

"Giselle! Kararating lang namin nambabara ka na agad."

"Malay ko sayo Camilla! At ikaw naman Josiah ka!"

"Luh? Bakit ako Ma?" Tanong niya na nagtataka.

"Sa Tita Camilla at Tito Jin mo, ang ayos ayos mo. Tapos kay Calla hindi?!" Panermon niya.

Ayan kasi! Mang ka pang asungot ka!

"Ma naman! Wala naman po akong ginagawang masama kay Calla." Pagpaliwanag ng asungot na yan.

"Ganyan lang siya maging friendly." Sulpot bigla ni Tito Franco.

"At nagpakita pa yung mokong!" Pagbara niya.

"Mokong nga, pero di mo ko matiis." Pagbanat ni Tito Franco.

"Che!"

"Kalma lang! Kararating lang namin nambabara agad ang mag asawa!" Natatawang sambit ni Dad.

"Malay ko sainyo!" Singhal ni Tita Giselle na ikinatuwa naming lahat.

"Upo ka Calla. Feel at home ka lang dito." Sambit ni Josiah na ikinairap ko.

"Upo ka lang Calla. Don't worry. Malinis tong bahay natin."

"Edi thank you!" Singhal ko bago umupo sa sofa.

"Uhmm... Calla anak." Paglapit ni Dad saakin.

"Pagpasenyahan mo na si Josiah ha? Mana lang sa Daddy niya." Bulong ni Dad.

"Hayys. Okay po Dad." Sambit ko bago umalis si Dad sa tabi ko.

"Kumusta?"

"Ay kabayo! Ano ba naman yan Josiah! Nanggugulat na lang ng biglaan!" Sigaw ko.

"Chillax lang. Ayoko naman na may bad mood dito saatin eh."

"Bad mood ako sa pagkikita ng pagmumukha mo!" Singhal ko bago umirap.

"Kalma ka lang." Pag akbay niya saakin.

"Close ba tayo ha?!" Tanong ko sakanya.

"Magkatabi naman tayo ah. Close tayo."

"Wag ka nga mamilosopo! Di bagay sayo!"

"Sungit naman." Natatawang sambit niya.

Hayys!

"Samahan mo ako Calla. May ipapakita ako sayo." Sambit niya bago ako hilain paakyat.

"Hoy! Ano ba Josiah! Anong gagawin mo saakin?!"

"Relax! May ipapakita ako sayo!"

"Ano nanaman yan?!" Tanong ko na ikinalaki ng mata ko.

Ang ganda ng lugar dito! Kitang kita ko yung liwanag ng bituin sa taas. Nakaka akit talaga.

"Nagustuhan mo ba Calla?" Tanong niya bago humiga sa sahig.

"Ang ganda dito Josiah." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Upo ka." Pagyaya niya na ikinasunod ko.

"Narinig ko kay Tita Camilla na mahilig ka tumingin dito."

"Yeah."

"Tsaka ano ba yung naiisip mo pag nakakakita ka ng bituin?" Tanong niya.

"Well, I can see na the stars are just amazing to look at. And I can say that it's so beautiful to look at it." Sambit ko.

"Eh alam mo ba na may maganda akong bituin na nakikita dito eh."

"Ano yun Josiah?"

"Ikaw." Sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

Julie Anne San Jose as Giselle Sanchez - Batoon

David Licauco as Franco Batoon

Family WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon