Chapter 46

330 17 1
                                    

Chapter 46: Offer

After months, my debut movie finally released. Sa premier night ay si Mollie ang naging kasama ko with of course my parents who supported me from the start.

Sayang nga at hindi si Daddy ang naging director kahit siya talaga dapat kaso he had a mild stroke at kahit recovered na, hindi pa rin puwedeng pagurin ang sarili.

A week after it released, umani ito ng iba't ibang reaksyon at papuri. Sunod sunod na rin ang pagtaas ng bilang ng mga followers ko in different social media accounts.

"Nagustuhan ng masa ang pag-arte mo. Great job, anak!" si mommy na nauna pang maiyak kaysa sa akin.

We're having a victory party kasama ang mga staff. Dumalaw din si Mommy at Daddy to congratulate every one of us.

"Congrats, Parrish. Sino ba naman ang hindi gagaling kung inspired at motivated?" si Santi na naman ang lumapit.

"Thanks. Congrats din," ganoon nalang ang sinabi ko at lumayo na.

And as the time passes by, many opportunities came. I started to draw attention. My hardship as a pen, and my passion, willingness, and love for the work as a paper.

Naging matagumpay ang unang movie kaya sunod sunod ang dumating na proyekto at hindi ko pinalagpas ang lahat ng 'yon. Nararamdaman ko kasi na para talaga ako dito katulad ng Mommy ko.

Natanto ko rin na ginagawa ko ito hindi lang dahil sa trabaho ngunit dahil na rin nagugustuhan ko na ang ginagawa.

And I finally found it. My dreams and career.

Ilang taon pa ang lumipas. Sa wakas ay naging engineer na rin si Brandean and I, as a freelance actor, model, ambassador, and endorser.

"As I was saying, balak kong magpagawa ng bahay," ani Brandean isang umaga, nag-aagahan kami dito naman sa may condo niya. Noong nagsimula siyang magtrabaho ay binigyan na rin siya ng unit.

"Oh? Para kanino? Sa pamilya mo? Eh ang laki laki ng mansion n'yo!" I beamed as I sipped on my coffee.

Nasa harap ko din ang IPad ko to do some work and also to check my agendas for the day.

"Obviously, para sa ating dalawa." he divulged so I looked at him.

Kunot noo na siyang nakatitig sa IPad ko na para bang may kasalanan sa kaniya iyon.

"Ha? Seryoso ka?" I said surprisingly but excited.

Tumango siya, suplado. "Yes. But can you please stop working just for now? We're eating breakfast!" saway niya.

Ngumiwi ako. "Sayang oras so pinagsasabay ko na. Anyway, kailan mo balak gumawa ng blueprint?"

Suminghap siya. Kahit ayaw niya sa ginagawa kong pagtatrabaho habang kumakain ay tinanggap niya nalang.

"This month or not, baka..." he paused and stared at me. Tumaas ang kilay niya at umiling iling na akala mo'y may bumabagabag sa kaniya.

"I'm working with it. What's your first agenda? Ihahatid kita---"

"May pasok ka so hindi na kailangan," tutol ko.

"Maaga pa. Maihahatid pa kita," he insisted.

Nakasimangot ko siyang tinignan. "Hindi na. At isa pa, malapit ko na rin makuha yung sasakyan---"

"So let me before you have your brand new car!" agap niya.

"Fine!" singhap ko.

And yes, I bought a car by my own money.  Ang sarap lang bumili ng luho kung ang sarili mong pera ang pinambibili mo. Pero siyempre, lagi ko rin naman iniisip ang mga magulang, kapatid na nasa kolehiyo na ngayon, at siyempre itong nasa harap ko na masama ata ang gising. I also bought some gifts for them when I was buying mine.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now