Chapter 5

381 31 2
                                    

Chapter 5: Conversation

"Hindi ka pa ba tapos?" bored kong tanong.

I'm crossing my arms behind him. Siya naman ay nakaluhod dahil isa isang tinitignan ang notebook sa kung anong magandang quality. Oh god! Pati sa notebook ang conservative!

"Kanina habang namimili ako, ballpen pa lang nabibili mo samantalang ako nabili na lahat? Ang kupad mo..." singhap ko.

Iritado niya akong nilingon. "You should practice how to be patient. Maghintay ka riyan..." masungit niyang sabi.

"Ikaw rin. You should practice how to talk casually. Kung kausapin mo ako parang mas matanda ka ng ilang taon?" sagot ko pa.

"Mamaya na tayo magtalo, busy ako." aniya.

My lips parted. I can't believe him! Sinipa ko nalang ang basket ko at lumayo na sa kaniya. Kung ano ano nalang ang tinignan kong libro kahit hindi naman mahilig dito. May nakita akong ilang pamilyar na libro na nakikita ko sa kuwarto ni Ryu. Maya't maya rin ang pagsinghap ko at pagsulyap sa banda niya.

Saktong nilingon niya rin ako. Nagtaas siya ng kilay.

While, "Ano?" I mouthed.

Ilang minuto pa kaming nagtagal. Nauna na nga ako sa counter na pumila dahil mahaba haba ang pila. Hindi na nakapagtataka kasi malapit na ang pasukan.

"Hi, Kuya! Puwede magpa-picture?" limang grupo ng babae ang biglang lumapit sa akin.

I smirked so they cheeks blushed. "Sorry. Hindi naman ako artista,"

"Pero sobrang guwapo mo po kasi. Sige na, Kuya!" they insisted at nagtulakan pa! Iilan tuloy ang napapatingin sa amin.

"Ang guwapo rin ng kasama niyang naka-ipit! Akala mo prinsipe!" sambit ng isa kaya nilingon ko si Brandean na sa wakas ay tumayo na. May laman ng notebook ang basket niya.

"Prinsipe ng aking palasyo!" hiyaw ng isa.

"A-Ah! Sige na sige na! Picture na!" pagpayag ko na bago pa dumating si Brandean.

"Salamat po!" anila nang natapos na.

Ngumisi lang ako at kumaway.

"Sino yun?" si Brandean sa likod ko na nakapila na.

"Mga fans ko," I said cooly.

Hindi ko na alam ang naging reaksyon niya sa sagot ko kasi nasa likod ko siya.

"Kilala ka siguro nila bilang anak ni Tita Leonides?" he uttered at my back.

"No. Nagpa-picture sila kasi guwapo raw ako. Alam ko naman 'yun at naawa ako sa kanila kaya pinagbigyan ko na..." I answered and shrugged my shoulders.

"Ah. Okay." there's sarcasm on his tone kaya nilingon ko siya at binigyan ng iritadong tingin.

Nagtaas lang siya ng kilay. I bit my lip to control myself for arguing him. Sa simpleng ganoon niya lang, naiirita na agad ako.

Nagpunta na kami sa department store para sa uniform at sapatos.

"Ano bang size mo?" Brandean asked.

"Hindi ko alam. Pero hindi tayo parehas ah. Mas malaki katawan mo. Siguro malapit sa size mo," sagot ko habang naghahanap ng magandang pantalon na bitin sana para maangas tignan at maganda paresan ng leather shoes.

Napatingin nga lang ako sa kaniya nang nilahad niya ang isang uniform na naka hanger pa.

"Sukat mo. Pati ba naman size mo hindi mo alam?" saad niyang muli, galit na naman ata.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now