Chapter 35

382 22 2
                                    

Chapter 35: Bonding


We both graduated from senior high school and we're on the way to college in Manila. Pagkatapos din ng gabing 'yon ay bumalik na ulit sa dati ang trato niya sa akin.

He's being talkative again and I'm not complaining about that. In fact, I'm starting to love it.

"Nagkausap na kami ni Lola," panimula niya.

Kahapon lang naganap ang graduation pati ang after party na dinaluhan naming pareho. Sa sobrang lasing pa nga niya ay sa kuwarto ko na siya natulog. At ngayon ay nasa isang restaurant kami na kaming dalawa lang. Siya ang nag-plano nito. A celebration but just the two of us.

"Talaga? Anong reaksyon niya?"

Ngumiti siya, "She's happier than me. Umiyak pa siya para sa akin kasi finally makikilala ko na sila. Sinubukan ko rin siyang tanungin tungkol sa posibleng dahilan ng magulang ko pero pareho lang ang sagot n'yo na dapat ang mga parents ko ang magpaliwanag,"

Tumango ako nang magaan ang dibdib sa 'di malamang dahilan. I don't know but I'm just happy for him. Dagdag mo pa roon na kilalang kilala ko ang mga magulang niya. Mabuti nalang at sila Tito ang parents niya pero hindi rin naman nakapagtataka

Brandean is also generous like his mother, and a very dedicated and passionate like his father. And the both traits of his parents: kind and warm-hearted. Idagdag mo pa yung pagiging maasikaso nila at maalalahanin.

Lahat 'yon nakita at naramdaman ko sa kanila na kahit ganito akong tao, hindi nagbabago ang trato at tingin nila sa akin. Pero hindi rin maiiwasan siyempre na sermonan ako ng mga 'yun lalo na si Tito Brandy and like his son! Brandean!

"See? Lahat ng tao sa paligid mo iisa ang sinasagot sa'yo. Konting tiis nalang, maririnig mo na ang paliwanag nila pero kung ano man 'yon? For sure valid reasons at ginawa nila 'yun para sa'yo..." I stated.

He smirked at me. "How can you say that? May ideya ka ba?"

"Hmm..." nag-isip ako at siya ay pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Bahagya pa akong nagulat at namangha sa ginawa niya.

Ang isang 'to. Matapos kong i-klaro ang nararamdaman nagkaroon na rin ng lakas ng loob para gawin ang mga simpleng bagay na 'yon. Pero ayos lang naman sa akin. Sumagi rin sa isip ko na baka ganoon talaga siya bilang... boyfriend?

Fuck! I'm still not use to it! Usually, girlfriend girlfriend lang ang nababanggit at naiisip ko kaya ngayon 'di pa rin ako makapaniwala talaga. Hindi naman madaling mahulog ang puso ko nang tuluyan sa isang tao. Hindi ito ganoon.

All I know is shallow love, temporarily feelings, infatuation...not these. But now, I'm on my way to the real meaning of love and the feeling of being in love.

"Wala pero what if may kinalaman sa politics di'ba? Sa trabaho nila?" sagot ko.

Muli akong napaisip at nanlaki ang mga mata nang may maalala. Ngumisi naman siya habang pinapanood akong mag-isip. Oo na at minsan lang ako mag-isip nang ganito kasi tanga at bobo ako, 'yun siguro ang nginingisi ngisi niya.

"So what's your conclusion?" he asked while smirking.

"May nangyari nga pala sa buhay nila noon. Yung kuwento ni Daddy is kasi daw umalis na sa dating partido si Tito Brandy kasi ayaw niya sa mga illegal na plano ng mga ka-alyansa niya. Si Tita Dina naman ang nagsagawa ng operation para sa mga illegal gambling sa siyudad. Hindi matanggap ng partido ni Tito Brandy na aalis na siya kaya binigyan siya ng banta, naging mainit naman ang ulo ng mga sugarol kay Tita Dina kaya 'yon... Parehong nalagay sa peligro ang mga buhay nila at ang sabi doon daw namatay ang unang anak nila kasi nabaril daw..." kuwento ko.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now