Chapter 11

307 19 1
                                    

Chapter 11: Runaway 

The casual days continue. Yes, it were all casuals to me even some of it were troubles. But that's how my youth life supposed to be? Maraming nagsasabi na sinasayang ko ang buhay at oras ko pero paano nila nasasabi 'yun? Nag-eenjoy naman ako. Hindi lang sa paraan na gusto nila pero kahit papaano nagiging masaya ako. Kaya hindi sayang.

But I'm still mad for what he did to me. He fooled me! I will never forget that date, 28th of July. Kung sakaling maging sikat man ako sa larangan o career na aking pinili at kikilalanin ako ng tao, ilalagay ko ang petsang iyon sa early life story ko. 

Humihikab ako habang binabasa ang reviewer na binigay sa amin ng mga teachers. Yung ilan dito ay tanda ko naman pero halos lahat ay wala na akong ideya. Humikab din si Felix na nasa tabi ko sabay kalabit sa akin kaya nilingon ko siya at tinignan kung sino ang nginuso niya.

Si Balbuena na tahimik na ngayon sa kaniyang upuan. Sa mga oras na ganito, walang teachers at nagbigay lang ng binabasa ngayon minsan naman, pinapasulat. Dapat nananaway siya ngayon pero kabaligtaran ata. 

"Nagising na ata, pre. Natauhan na... " halakhak ni Felix sa tabi ko kaya iyon ang tinawanan namin. 

"Montenegro and Casaje!" saway ng nasa harap. 

Nagdalawang tingin pa ako sa kaniya. May nagmamasid pala sa harap namin. Si Irish, ang peace officer na trabaho niya naman talaga ang manaway. Lagi lang wala kaya itong pasikat na si Balbuena ang nananaway. 

She's beautiful and tall girl, with her shoulder length hair, and bad girl aura and expression, I think I like her na. Bakit ba ngayon lang siya nagpakita sa akin sa dalawang buwan na lumipas? Agosto na ngayon, nalalapit na ang quarterly exam at ngayon ko lang siya natitigan nang ganito katagal. 

Paano ba naman kasi, hindi ako umaalis sa upuan ko o minsan nasa likod lang kami para doon magdaldalan at tawanan. At siyaka wala rin naman akong pake sa mga pagmumukha ng kaklase ko. 

Lumabas si Irish dahil may tumawag sa kaniya. Nakita ni Felix na kanina pa ako nakatitig kay Irish hanggang sa paglabas nito. 

"Ganda niyan ni Irish. Kaklase ko yan noong grade nine eh. Daming nagkakagusto diyan pero wala siyang gusto kasi puro pag-aaral at pagsisilbi sa paaralan ang inaatupag. Crush mo?" daldal niya. 

Tumango ako at ngumisi. "Yeah. Ganda n'ya,"

"Naku! Magseselos si Balbuena... " Felix kept on blabbering beside me.

"He should know his place noong una palang. Papansin kasi eh... " giit ko na tinanguan ng kaibigan.

"First day of school palang alam mo bang gusto ka na niyan?" patuloy niya pa. 

"Not my type. Kahit pareho pa kami ng gender hindi ko siya magugustuhan no!" halakhak ko.

"Montenegro and Casaje!" saway muli ni Irish na nakapasok na pala. 

Ngumisi ako. "Sorry... " I sad and winked at her so her eyes widened.

She swallowed hard. "U-Uhm. May gustong mag-announce. Sige pasok na kayo!" aniya sa mga estudyante na nasa labas. 

"Good day, everyone! Kami nga pala ang officers ng Mapeh Club and we're here to announce the registration and try outs for the upcoming intrams next month and sports festival next year! Ang basketball, volleyball, badminton at tennis ay kailangan mag-try out para makapasok sa intrams at kapag nanalo, doon palang sila makakapasok sa sports fest," anunsyo ng isa. Hiningal na ata kaya yung isang lalaki na ang nagtuloy. 

"Ang taekwando, track and field, swimming at yung hindi niya nabanggit ay kailangan mag-try out para makapasok sa sports fest, hindi na isasali sa intrams bagkus diretso na agad sa sports fest pero limited slots lang kaya paunahan mag-register. Pumunta lang po kayo sa Mapeh faculty hub. Thank you po…" dagdag ng isa. 

A Way To Your Heart (Street Series #5)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz