Chapter 25

321 17 3
                                    

Chapter 25: Favorite


"Nakauwi na si Brandean kasama ang Lola n'ya. Kung siya ang hinahanap mo," si Felix na nagbabalat ng orange sa tabi ko.

Kumakain kami ng prutas. Dala niya ang mga 'yon para sa akin at para na rin sa kaniya. Napansin niya rin na panay ang tingin ko sa katabing kama.

"Talaga? Hindi man lang ako hinintay," singhap ko.

"Anong hindi? Kagabi pa 'yon gising para bantayan ka! Alam mo ba na panibagong araw na ngayon? Ang sabi ng doctor ayos ka na raw pero nakatulog lang dahil siyempre gabi na rin naman pero si Brandean nagising at hindi na nakatulog pero umuwi siya kaninang umaga lang..." paliwanag niya.

Napakurap ako roon. "Oh? Binantayan niya ako?"

"Yup. Siyaka alam mo ba noong nagising siya ikaw agad ang hinanap? Kung tignan ka nga niya para siyang maiiyak dahil sa sobrang pag-aalala eh," he added.

Kabaligtaran pala ng naiisip ko ang mga sinasabi ni Felix. Napalunok tuloy ako at napabagal ang pag nguya habang inaalala ang nangyari kahapon.

"Nakita kitang tumakbo at hinahabol ng grupo nila. Gusto kitang sundan kaso pareho lang tayong mapapahamak kaya pinuntahan ko si Brandean. Kahit abala siya agad niyang binitawan ang ginagawa at tumakbo na rin. Ang ginawa ko naman ay nagsumbong na ako sa head ng school. Hindi sila makapaniwala kaya agad naming ni-report sa awtoridad..." he started. Kumain muna siya ng orange sabay singhap.

"Teka lang hinihigal ako, pre..." palusot pa nito kaya binatukan ko siya.

"Bilisan mo na gago ka talaga!" sambit ko.

"Tapos 'yun na nga. Na-corner na sila ng pulis buti nalang sa may hangganan mo sila dinala kaya ayun at hindi na nakatakbo! Ako ang unang nakakita sa inyo! Nakaupo kayo tapos si Brandean nakapatong sayo habang ikaw, yakap mo naman siya. My conclusion was he protected you and used himself as a shield? Sinalo niya lahat ng tadyak at sapak para sa'yo. Maniwala ka man sa hindi pero tangina naiyak ako, pre!" kuwento nito.

Natulala ako. Naalala ko nga ang nangyari. Pati ang mga mata niya na nagpapahiwatig na ayos lang siya kahit nasasaktan na. Tumulo rin ang luha ko noon.

"A-Ano na nangyari sa grupo ng mga 'yon?" I shifted the topic. Dahil feeling ko magiging emotional na naman ako ngayon.

"Ayun. Nahuli na sila at kinakausap na ang mga magulang. Lahat sila hindi na minor. Pinakabata is 18 years old yung tahimik. Yung tatay noong presidente ng student council eh pulis pala, pre! Kaso nahuli sa buy bust operation kaya ayon at nakakulong din! Pero ito, pre, huwag kang maiiyak ah kasi yung nanay pala nung pinakatahimik sa kanila ay isang tindera sa palengke! Bago kita dalawin dito nagpunta muna ako roon para makiusisa. Naiyak nga ako eh!" patuloy niya.

I remembered that boy with guilty but innocent eyes. Parang isa rin siyang biktima.

Tinignan ko si Felix dahil akala mo'y si detective conan na naman siya ngayong nag-iisip nang malalim.

"I saw how guilty his eyes were. Sobrang tahimik rin at nanginginig ang kamay habang hawak yung kutsilyo," kuwento ko.

"Talaga? That means... Hindi kaya katulad natin siya? Nahuli niya ang mga 'yon na gumagawa ng illegal ang kaso nahuli siya at binantaan siguro? Kaya ayun at nakisama nalang siya imbes na upakan at mamatay. Tsk tsk. So cruel..." Felix sighed.

Ngumiwi ako sa konklusyon niya pero iyon din naman ang iniisip ko. Ang isang 'to talaga akala mo abogado o imbestigador.

Dumating ang mga magulang ko kaya hindi na kami nakapagkuwentuhan ni Felix. Mom is very worried and crying, si Dad ay bakas lang ang pag-aalala sa mukha. Tinawagan din ni Dad ang mga pulis para kumustahin ang mga gumawa nito sa amin at marami pa siyang hinabilin sa mga ito.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now