Chapter 2

442 34 4
                                    

Chapter 2: Tiger



Gabing gabi na pero ang mga sinabi niya pa rin kanina ang iniisip ko. Hindi dapat ako ganito kasi hindi ko dapat iniintindi ang sinabi niya pero ewan ko bakit nagtagal sa utak ko ang mga pang-iinsulto niya.

Masyado siyang maangas para sa akin. Ayaw ko ng ganoon. Inuungasan niya na ako at hindi niya ako kinatatakutan! Kahit pa ipakita ko ang matinding galit ay hindi niya ako tatantanan. And I hate the type of person who's above me! Ang sabi pa ni Daddy ay ilang buwan lang ang agwat niya sa akin so magkaedad kami! Hindi ko na sana pagpapansinin ang mga salita niya pero kung mas matanda siya ng ilang taon sa akin! Eh ang kaso? Same page and same age! Kaya anong karapatan niyang pangaralan ako?

Kung makapagsalita pa siya akala mo ang dami ng experience sa buhay! Akala mo matanda! Napasigaw tuloy ako bigla dahil sa matinding iritasyon. I thought all the people in the province were easy to tame but the first person I've met was boastful!

Dumagdag iyon sa kagustuhan ko na umalis na talaga sa lugar na ito kung lahat ng tao rito ay katulad niya pero teka, naduduwag ba ako? Kung iyon ang irarason ko kung bakit ko gustong umalis dito ay magiging duwag pa ang dating ko.

Kinaumagahan, wala pa ako sa diwa at nag uunat unat palang dito sa balkonahe ng aking kuwarto ay siya agad ang nakita ko pagdilat ng aking mga mata. Saktong kakababa niya lang sa sasakyan ni...Daddy! Bakit siya galing doon?

Kumunot tuloy ang noo ko at tinignan ang ginagawa niya. Lumabas na rin kalaunan si Daddy at may sinabi si Dad sa kaniya pagkatapos nakita ko na binigay nito ang susi ng sasakyan kay Brandean.

"Good morning, dad..." bati ko kaya pareho silang napaangat ng tingin sa akin.

"Good morning, hijo! Sabayan mo na kami sa breakfast ng mommy mo!" ani Dad.

Ngumiti ako at tumango. Bakit nalang ba ako biglang naging mabait? Dapat ay malamig ang trato ko sa mga magulang ko dahil sa ginawa nila sa akin pero ang ginawa ko ay taliwas sa sinabi ko.

Pumasok na si Dad sa loob kaya kay Brandean na ako napatingin. I saw him staring and frowning at me.

"What?" I mouthed and raised my brow.

He sighed and looked away irritatingly. Pumasok siya sa driver seat na ikinataka ko. Bahagya akong nabigla nang pinaandar niya ang sasakyan ni Dad. So he trust Brandean so much like a son, huh? At marunong mag drive ang lalaking laging naka ipit ang buhok na ito? Well, ako rin naman marunong magmaneho kaya 'wag siyang magyabang.

Bumaba na ako nang nakapantulog pa rin. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong araw kaya gusto ko na agad maiyak. Ano bang ginagawa ng mga tao rito para hindi mainip? Pero mukhang masaya ang mga pinsan ko rito pero siyempre may mga kaibigan sila!

Ako? Mayroon naman but I don't think they'll come here if I invite them!

Kasama ko si Mommy at Daddy na mag-agahan. Tahimik lang akong kumakain ng pancake, tinitignan na rin ang magulang na parehong abala sa trabaho. Si Daddy sa kaniyang IPad, si Mommy sa katawagan niya sa cellphone. Kaya nilagyan ko ng tubig ang mga baso nila na ikinagulat pa nila.

Siguro naman sa simpleng kilos ko na ito, unti unti na nilang makikita na nagbabago na ako then finally, iuuwi na nila akong Maynila!

"Brandean! Join us!" si Mommy nang natapos sa tawag.

Bumagsak ang balikat ko at napasandal nang tuluyan. Hindi ko nalang siya tinignan nang maupo siya sa tabi ko. Gustong gusto kong sabihin na wag siya sa tabi ko umupo dahil marami namang upuan pero magagalit ang mga magulang ko kaya sige na, Brandean! Pero pinapangako ko na bago ako makauwi ng Maynila, gagantihan kita!

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon