Chapter 13

337 25 0
                                    

Chapter 13: Street




Bigla tuloy akong napatingin sa kaniya habang nakangiwi. Tumawa siya at nag peace sign.

"Joke only..." he beamed. Napailing ako at hanggang sa makauwi na kami ay hindi na nawala ang ngiti sa labi niya.

Tinulungan ako ni Brandean na ibaba ang maleta ko. Pumasok na ako sa mansion, sa likod ko ay si Brandean na bitbit ang maleta ko.

"Ilalagay ko na ito sa kuwarto mo. Nasa sala sila," pagbatid niya.

Tumango ako at doon na nagpunta. Naabutan ko silang dalawa na tahimik lang. Napatayo si Mommy nang makita ako. Ngumiti ako nang makita ang luggage nila sa gilid.

"I'm glad you came back, anak. May shooting kami sa Thailand at dalawang linggo ako roon. Ayaw kong umalis na ganito tayo..." ani Mommy.

She hugged me and kissed my forehead. "Please be nice and considerate, hijo. Hindi rin naman namin gusto na pinapagalitan ka," she added calmly.

And I slowly nodded and it doesn't mean yes but I'll try.

"I'll try, Mom..."

"Do it, don't just try. Mapagod ka naman sana na bigyan kami ng kunsumisyon. Your mom and I are both working hard for Berlino and your future. Ang gagawin mo lang ngayon ay ang sumunod at maging mabuti para makarating ka sa better future na hinahanda namin ng Mommy mo," Dad stated and I shut my mouth.

Tumayo na rin siya. Inutusan niya na ang mga kasambahay na ilabas na ang maleta. Mukhang kanina pa sila dito at ako lang ang hinihintay bago sila umalis. Nakonsensya tuloy ako kasi paano kung natuloy ang pag-alis ko at hindi bumalik dito? Edi maghihintay sila sa wala? Hindi ko naman ata kayang isipin iyon.

The irony of me doesn't want them to worry and be anxious but I'm the one who's making them worried. I'm literally a piece of shit

Mom hugged me tightly and continuously kissed my head while caressing my back. "Be a good boy," she said and I simpered.

Lumapit na din si Dad sa akin pero hanggang tingin lang siya. Ngunit sa tingin na 'yun ay malayo na sa kaninang madilim.

"Be a good boy so you can go to the better future. I believe you..." he smiled and tapped my shoulder.

Hinatid ko sila sa labas at kahit nakaalis na ang sasakyan, nakatingin pa rin ako sa dinaanan nila. Huminga ako nang malalim dahil may kung anong nagpagaan sa pahabol na sambit ni Daddy.

He believes me? I have no idea. Sirang sira na ang imahe ko sa kaniya but then again we all know, well 'some' parents were always have that unconditional love. Noong una wala akong ideya sa kung anong kahulugan noon, kahit i-search ko pa sa internet ay hindi ko maintindihan hanggang sa dumating ang araw at pagkakataon na ito.

May mga salita talaga na kahit hanapin mo ang literal na kahulugan ay hindi mo mauunawaan nang lubusan, kailangan mong maramdaman para lubos na maintindihan.

"I guess you did well," Brandean's voice behind me.

I looked at him so he smiled and his face illuminated like a sky when the sun rise in the morning.

Ngumiti na rin ako sa kaniya. Siya ang dahilan bakit hindi natuloy ang plano ko pero hindi ako nagagalit. In fact, ang gaan nga ng loob ko.

"You're more handsome when you're smiling. Hindi yung laging kunot ang noo at salubong ang kilay... " saad niya pa.

Nilagpasan ko na siya at pumasok na. "Whatever..." I murmured but smiling.

Lumipas ang ilang linggo at sabado na naman ulit. Ngayon na ang itinakda para sa try out kaya sinadya ko talagang matulog nang maaga para siyempre gumising din nang maaga.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now