Chapter 37

390 17 4
                                    

Chapter 37: Way


All I know for now is that I'm really sure with my feelings. Iyon ang katotohanan na hindi ko na kaya pang itago.

Bago man sa akin ang lahat, ang magandang gawin ko ay ang sumubok sa bago. Ganoon naman talaga iikot ang buhay, di'ba?

And I also think... I recognized myself because of these feelings of mine for him. Or he just change my heart the moment he knocked to it. Hindi ko alam. Ang mahalaga ay ang pagpasok ko sa panibagong karanasan.

But I guess, he's more than just an experience. He is a new beginning.

Nanatili siyang nakatayo, gulat ang mga mata, nagbabadya ang papatubong ngisi, at unti unti nang umuukit ang galak sa mga mata niya.

I immediately tiptoe then wrap my arms around his neck. I smirked because he's still looks so surprised.

"Anong sagot mo? Kung hindi, edi walang halik..." I simpered.

He bit his lip and slowly nodded. "O-Of course you can love me and I'll do the same to you. Ikaw lang naman ang hinihintay ko---"

Hindi ko na siya pinatapos bagkus ay pinaglapat ko na agad ang aming mga labi kasabay ng pagpikit ng aming mga mata. Ang isang kamay niya ay naglandas na sa likod ko, ang isang kamay naman ay humawak sa ulo ko para mas mahalikan niya ako nang maayos... mas malalim.

Mula sa malalim, naging mababaw na ulit hanggang sa panay ang patak niya nalang ng halik sa labi ko. Pagkatapos noon, he started to drop a kiss on my nose... my eyes... my cheeks, and my forehead. And lastly, we hugged each other.

"Na-realize mo na siguro na mahal na mahal mo talaga ako?" daldal niya.

"It's not that easy. Alam mo naman na bago pa lang ako sa ganito. Ang alam ko lang, nakilala ko na ang sarili ko gano'n din ang... nararamdaman ko para sa'yo. Hindi man inaasahan ang lahat, masaya ako na ganito ang nangyari. And remember the first day we met? When you told me that in no time... I'll find a way to your heart..." I stated with all of my emotions surfacing.

"And you found it?"

Tumango ako. "Obviously, I found it."

"Ah. So good to hear it from you..." he moaned and chortled.

"Sinadya mo siguro na gabayan ako sa tamang direksyon papunta sa puso mo..."

"Tama ka. In the halfway, halos sumuko na ako pero alam mo bang napansin ko na ikaw na yung kusang naglalakad papunta dito," dinala niya ang kamay ko sa dibdib niya.

Hinarap ko siya pero nanatili pa ring nakayakap sa kaniya. Nagkabanggaan tuloy ang mga ilong namin.

"Sumuko? So the first day you saw me... Nahulog ka na agad sa akin?" I said in between shock and joy.

"Hindi naman. Pero sabihin natin isang taon noong nakilala kita. Doon na nagsimula 'yon. Hindi pala madali ang magkagusto sa isang tulad mo. I've battled with myself 'cause I felt so much insecurities, jealousy, and madness. You were so hyper and rowdy..." aniya.

Oo nga pala at hindi ako ang mga tipo niya. Pero isipin mo 'yon, he battled with his negative emotions because he has a feelings for me.

"I'm not easy to handle but you handled me so well..." I muttered.

"It's not that easy. Noong nagkagusto ako sa'yo, kulang nalang ilagay kita sa bulsa ko at itago kita sa mga tao. At tama ka, assuming nga ako... noon. Kasi wala pang tayo pero I think possessively, right? Kaya nga sa tuwing nagseselos ako, hindi nalang kita pinapansin..." he smirked at the last words.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now