Chapter 4

365 26 2
                                    

Chapter 4: Responsibility


I smirked widely 'cause of his irritated expression towards me. Tignan mo nga naman ang isang ito, iritado na agad kapag nakikita ako. Ganoon din naman ako, pero hindi ko pinapahalata di katulad niya.

"Welcome to Casa High School, Parrish Montenegro..." ang teacher sa registar office na nakipag shake hands pa sa akin.

"Thank you po..." I smiled fakely but charmly.

"Mukha kang mas mabait kay Dion so we're hoping no trouble will occur..." she added so Dion laughed silently.

Kinagat ko naman ang labi ko at hindi nalang sumagot. Tatamarin ako sa school year na ito for sure so baka tamarin din ako na gumawa ng gulo. Pero kung may mahanap akong mga tropa na katulad ko, why not. Mukhang masayang  pag-trip-an ang mga estudyante dito puwera nalang kung kapareha sila ng Brandean na 'yun.

Lumabas na kami ni Dion nang natapos ang enrolment. Tumatawa tawa pa rin si Dion dahil sa tinuran ng guro.

"She have no idea..." I chortled.

"Pero, brad." umakbay si Dion sa akin, "Maawa ka naman kay Tita at Tito. At siyaka, may nagawa na akong gulo dito, huwag mo nang dagdagan..."

I shrugged. "I'll try..."

Naglalakad at nagtatawanan na kami palabas nang muli naming makasalubong si Brandean. May buhat siyang kahon na may lamang mga kartolina.

Napahinto tuloy kami kaya bumuntong hininga ako at humalukipkip.

"Tapos na kayo?" he asked and I know he's staring at me.

"Oo. Kayo? Hindi pa rin?" si Dion ang kumausap dahil alangan namang ako?

"Matatapos na. Ihahatid ko nalang ito sa storage room," sagot niya.

"Edi sumabay ka na sa amin!" napatingin ako kay Dion. Siniko ko siya pero inignora niya ako.

"Hindi na---"

"Sige na! Laro din tayo basketball!" Dion insisted.

Nagkatinginan kami ni Brandean. Tumaas ang kilay ko habang kinukuyom ang panga. Tingin tingin mo riyan?

"Sige," pagpayag niya.

Tamad akong sumunod sa kanila ni Dion. Sinamahan pa namin siya sa storage room! Gusto ko nalang umuwi na bakit pa kasi namin siya nakasalubong. Masama ang tingin ko kay Dion dahil inaya niya pa.

"Nasaan nga pala si Jorie? Di ko nakikita eh," kahit naka earphone naririnig ko ang usapan nila.

"Taong bahay yun, di mahilig lumabas pero baka nakila Hydro?"

"Alam ko namang taong bahay siya pero bihira lang magpunta sa mansion eh," si Dion na parang may gustong ipaglaban.

"Anong gagawin niya doon? Wala naman pasok kaya hindi ka niya tinuturuan?" sagot naman ng isa.

"Kahit na!" si Dion na parang hindi kayang tanggapin ang mga sinabi ni Brandean.

Nakakairita silang dalawa. Bakit ba kasi ako sumama? Puwede naman na mauna na ako sa sasakyan!

"Iihi lang ako, mauna na kayo." sumaglit pa si Dion.

Kaming dalawa tuloy ang naiwan sa storage room na puno ng mga kahon at ibang gamit at upuan ng eskwelahan. Napatakip ako ng ilong dahil sa alikabok nang ibaba niya ang isang kahon.

Tinignan niya ako. "Kung gusto mo sa labas ka nalang maghintay---" natigil siya dahil nilibot ko na ang buong kuwarto.

May mga medalya at trophy rin kasi akong natanaw kaya imbes na hintayin siyang matapos ay nilibang ko nalang ang sarili sa pagtingin ng kung ano ano with my earphones on in a low volume. So I can hear if he's badmouthing me.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt