Chapter 36

361 21 3
                                    

Chapter 36: Time

Binawi ko agad ito dahil baka may makakita sa amin. Pero kahit anong kuha ko, mahigpit ang hawak niya kaya hindi ko makuha. Kung hindi lang dumating ang flight stewardess para sa pagkain ay hindi niya 'yun bibitawan.

We landed to Palawan. Muling dumikit si Tita Dina sa anak ganoon din si Tito Brandy. We let them alone together 'cause this is not just a birthday celebration but a family day for them.

Sa unang mga araw ay naging kaswal lang ang lahat. Both of his parents couldn't stop themselves from asking things. Sa ganoong paraan siguro ay makikilala nila nang husto ang nawalay na anak.

Hanggang tingin lang tuloy ang nagagawa namin sa isa't isa. Hindi kami mapag-isa dahil lagi niyang kasama ang pamilya pero hindi naman ako nagrereklamo. Masaya nga silang panoorin lalo na si Viny na hindi na talaga lumayo sa kaniya since the day she met her brother.

"You both are probably friends now?" Tita Dina asked us.

Kumakain na kami ng hapunan at tapos na silang pag-usapan ang lahat ng puwedeng pag-usapan kaya kaming dalawa na ang tinatanong gayong alam nila ang ginawa ni Brandean sa akin sa bawat school year.

"That's a sure thing!" si mommy ang sumagot.

"Well, since Parrish moved to Casa Poblacion, Brandean was always there to guide him and also to nag at this boy," si dad sa tabi ko.

"Yes. Parang naging masunurin na nga itong panganay ko dahil kay Dean eh, natatakot kasi kapag pinapagalitan ni Brandean!" mom blabbered.

I immediately reacted. "Mom!"

Nagtawanan tuloy sila. Maging si Brandean ay nakangisi habang kumakain while at the same time helping his little sister to eat. Napangisi tuloy ako kasi ang independent girl nitong si Viny. Kapag tinutulungan siyang hiwain ang pagkain ay ayaw niya kasi kaya niya raw pero ngayon? She's being dependent to his Kuya! She really love him obviously.

"But really, Brandean was a big help to my hard-headed and stubborn son. Lagi ko nga sinasabi dito sa anak n'yo na kahit 'wag na laging bantayan itong si Parrish kasi alam kong busy person din siya but he was always insisting that it was fine..." patuloy ni dad.

Napaisip ako roon. Sinasabi naman pala sa kaniya 'yon pero bakit patuloy pa rin siya sa pagtulong at paggabay sa akin? It's probably his own will na! Nagkatinginan kaming muli, may kahulugan na ang ngiti at tingin niya sa akin.

"Wow. That was the best thing you did, son. 'Yun din siguro ang iuutos ko sa'yo!" si Tito Brandy na nakahanda nang tuksuhin ako.

"Buti nalang pala dinala ka nila sa Casa Poblacion! Nagkakilala tuloy kayo nitong anak ko!" si Tita Dina sabay hagod sa braso ng anak.

Brandean nodded to what she said.

"Noong una away nang away ang dalawa at alam niyo ba sa kauna unahang pagkakataon? Nagsumbong itong si Parrish!" si mommy ulit na lahat nalang ata ibubulgar!

"Talaga? Nako! Mukhang nahanap niya na ang katapat!" si Tito Brandy ulit.

Halos irapan ko sila isa isa.

"Pero ngayon, ayos na naman ang dalawa! Nakikita kong nag-uusap at tawanan na eh," mom again.

"For sure lalalim pa ang friendship n'yo ngayong college na kayo. Good luck, boys!" Tita Dina and she caressed both our hands.

Silang apat lang ang nag-usap! Kami ang tinanong pero sila sila rin ang sumagot pero ayos lang 'yon. Hindi ko rin naman alam ang isasagot.

Madaling araw na pero hindi ako makatulog. I used my cellphone, watch some movies but still I couldn't find drowsiness.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now