Chapter 38

371 22 0
                                    

Chapter 38: Yours

"Tomorrow is your birthday. Gusto mo ba pumunta abroad?" my parents asked.

We're having a dinner with the Castros. Ngayon lang nakahanap ng oras ang both families and it's been a long time since their bond so Tita Dina invite us.

"Hindi na, Mommy. May on going shooting ka pa and some errands, right? Si Daddy naman maraming business meetings. Just a casual dinner is fine,"

Nagkatinginan ang mga magulang ko. Dad smirked and Mom shrugged.

"That's a new answer. But if that's what you want," si Dad.

"Ano bang gusto mong regalo, Parrish?" si Tito Brandy.

"Anything will do, Tito. At Tita, like usual..." I smirked.

"Yes, I know! Alam mo naman na pinaglalaanan ko ng oras ang paggawa ng cake para sa birthday mo!" ani Tita Dina.

Palipat lipat naman ang tingin sa amin ni Brandean. He looks so amuse while helping Viny to eat some seafood.

"What about you, anak? Saan mo gusto i-celebrate ang birthday mo next year? Hindi na ako papayag na simpleng salo salo lang gaya nitong nakaraan ah!" si Tita sa anak.

Naalala ko nga 'yon. His parents has a lot of offers for his birthday last time. Iyon din kasi ang unang birthday na kasama niya ang pamilya niya. Pinili niya lang ang simpleng kainan na magkakasama sila. Pabor din naman ako do'n.

"Dina, don't tell me you'll throw a party? Hindi na bata ang anak natin!" agap ni Tito.

Tumawa ang lahat.

"At siyaka kakatapos palang ng birthday niya, Dina!" si Mommy.

"Well, I'm too excited lalo na sa eight birthday nitong baby girl ko!" aniya at pinanggigilan si Viny.

"Anything will do, Mama..." ginaya ni Brandean ang sagot ko.

Napakagat labi tuloy ako at siya ay nakangisi na sa akin.

"Let's bring Kuya to his favorite place, Mama!" si Viny.

"Oh! Oo nga no? Then let's go to Paris!" desisyon ni Tita.

"Paris is your favorite place pala, Brandean?" mom said. "Ako rin! Diyaan nag-propose itong si Tito Rico mo at doon ko kinuha ang pangalan nitong si Parrish, obvious naman."

"Yes, Tita. Paris... is my favorite," si Brandean na nakatitig sa akin habang binibigkas ang mga salitang 'yon habang kumakagat ng mansanas.

Hindi ko tuloy naiwasan ang mangisi habang kumakain.

"Nako! Doon n'yo nga pala ginawa si Parrish no? At yung bunso niyong si Berlino, sa Berlin?!" Tita Dina with her vulgar words pero tinakpan niya ang tainga ni Viny bago sinambit 'yon.

Nagtawanan tuloy ang lahat at doon na lumalim ang tawanan at kuwentuhan nilang apat. Samantalang kami ni Brandean dito ay nagtitigan na lamang na kung may staring contest, kami na ang panalo!

"Bye. See you later," paalam namin sa isa't isa nang makarating sa school.

Tinanggal niya ang seatbelt ko at siyaka hinalikan ang pisngi ko. Tumango ako roon at sinamsam na ang mga gamit ko.

Lalabas na sana ako pero hinila niya ako kaya bumalik ako sa kinauupuan ko. Inatake niya ang labi ko at sobrang lalim agad ng halik niya na mabilis akong hiningal kaya napahawak ako sa uniporme niya.

"Happy birthday, my love..." aniya pagkatapos ng malalim na halik.

I simpered. "Babati ka lang pala kailangan  may malalim pang halik?" giit ko pero nakangisi na.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now