Chapter 26

339 20 7
                                    

Chapter 26: Laugh


Kasama namin kumain ang ilang opisyal at residente ng barangay. Kaya hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga usapan nila.

Nalaman kong wala palang kuryente ang buong barangay. I have no idea that there's still a place that has no electricity. I mean, essentials na iyon sa buhay ng tao? Or that was just my thoughts? Right, wala naman akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid at sitwasyon ng bansa noon. Kaya nagugulat ako sa bawat kaalaman na natutuklasan.

Nakikipagkuwentuhan si Mommy sa mga babaeng aeta na sumasabay na rin sa amin kumain. Si Brandean ay kausap na rin ang ilang opisyal pati ang ilang lalaki. Katabi ko siya kaya naririnig ko na kinakamusta niya ang mga ito. Kumportable naman na sumasagot ang mga kausap niya. They're talking casually. Mukhang hindi lang ang parents ko ang malapit sa mga tao rito, maging siya.

Samantalang ako, parang tanga na kumakain lang dito sa gilid. Ngumingiti sa bawat tumitingin sa akin at may mga bagong dating pa kaya inalok ko sila ng pagkain. Nagkatinginan kami ni Brandean at nakangiti siya. Nakita niya siguro ang ginawa ko.

"Salamat, pogi!" pasalamat ng isa.

"Welcome po! Pakabusog po kayo!" sambit ko.

Nang natapos kumain dito sa isang mahabang lamesang kahoy at mahabang upuan at ang bubong ay ang dahon lamang ng mga saging ay sumunod ako kay Mommy at Brandean sa isang malapit na eskwelahan kung saan aayusin ang mga ipapamahagi sa bawat residente. Nandoon na ang ilang doctor at nurse na katuwang sa medical mission. Marami ring mga staff na pinadala si Daddy dagdag pa ng mga staff sa organization at foundation ni Mommy.

Wala naman signal dito para mag-play ng music o magbukas ng social media bilang pampalipas oras kaya tumulong nalang ako sa pag-aayos ng mga bibigay na school supplies sa mga bata at laruan, mga groceries at appliances naman sa bawat pamilya.

"Parrish and Brandean! Smile!" si mommy na bigla bigla nalang kaming kinuhanan ng litrato.

"Hay nako. I'm still can't believe na kasama ka na namin ngayon dito, anak. Ang sarap mong panoorin actually kayong dalawa ni Brandean. I'll send these photos to your brother!" she blabbered at umalis na din naman para kumuha pa ng litrato ng ilang bata.

"Gustong gusto niya yung ganyan. For sure her gallery was full of children's pictures," daldal ko.

"I know. Ganyan talaga si Tita. In fact, kilala niya na nga lahat ng residente at mga bata rito eh." sagot ni Brandean.

"She love this place so much. She once told me na kung puwede nga lang bigyan niya ng magandang buhay ang lahat ng bata rito..." dagdag ko naman.

"Kaya ang ginagawa niya nalang ay tumutulong taon taon. Sumasama naman ako kasi ganito rin ang gusto ko. Hindi lang dahil sa nagbibigay ng tulong eh, sa mga ngiti talaga 'yun at mga pag-asa na makikita mo sa mga mata nila. Priceless." he added more to our conversation.

Tinigil ko ang paglalagay ng echo bag sa lamesa para tignan siya. Nakatingin na rin siya sa akin. Hindi ko napansin na nag-uusap na pala kaming dalawa rito.

"I guess so..." I just shrugged to kill our conversation.

Ilang minuto pa na paghahanda ay nagsimula nang pumila ang mga residente. Nalito ako dahil lumapit si Brandean sa tabi ko kahit hindi dito ang puwesto niya. Ako ang mag-aabot sa kaniya at siya ang magbibigay.

"Bakit?"

He smirked and bring me to his spot. "Palit nalang tayo. Para naman makilala ka nila at maintindihan mo yung sinasabi ko kanina," he explained.

Tumango nalang ako kahit medyo alangan at hindi pa sigurado. Hanggang sa nagsimula na kami.

"Salamat po!"

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now