Chapter 42

347 15 2
                                    

Chapter 42: Start

Hindi pa sumisikat ang araw, gising na kami ni Brandean kahit mahigit apat na oras lang ang tulog namin. Well, he did nothing but to kiss me. Tingin ko, iyon nga ang nagpatulog sa akin.

Nilapitan ko si Froilan. Nag-aagahan na kasi kami at nagkakatuwaan pero tulala pa rin siya habang umiinom ng kape.

"I just know, everything will be alright. Not now, but soon..." I comforted him.

He smiled and nodded. "You're right. Hindi ko lang maiwasan ang matakot kasi baka... hindi na siya bumalik sa akin."

"Then do everything to win him back. If you both started a story... Then it will continue. You both will reach the happy ending. Malalagpasan n'yo rin lahat ng nangyari..." I advised.

"But not all the story ends happily, Parrish."

Tumango ako. Tama nga naman. "But be optimistic, Froilan. Maniwala ka na doon din ang punta n'yo,"

He nodded and smirked. "I can't believe you're comforting and advising me. That's not you. Brandean was really good for you, I believe."

Hinimas ko ang tuhod at hinigop ang mainit na kape. "Yeah. He's my blessing..."

Sa sumunod na oras ay nagkaroon muna kami ng pagpupulong. Marami ulit kaming tinawagan para ikumpirma ang mga pinapagawa.

Nililigpit na ni Brandean ang ginamit naming tent at ako ay ka-video call si Ryu na nasa NYC. He's giving me some updates.

"By the way, for sale na pala ang property ni Tito Wingly. Nito niya lang dineklara na ibenta at alam na natin ang dahilan... Balak niyang magpalipat lipat ng lugar para paglaruan tayo. Worse, baka lumipad siya abroad at mahihirapan na tayong hanapin siya kapag iyon ang nangyari," he explained.

"Kaya nga nagmamadali na kami ngayon. Pero alam mo ba itong si Dion? Busy pa sa pagtawag sa love of his life niya at ewan ko ba't hindi siya nagmamadali! Akala ko ba naman seryoso 'to sa leadership!" nagsumbong pa ako.

Ryu smirked handsomely. Dahil umaga dito sa Pilipinas, afterglow na sa New York kaya marami na siyang nagawa.

"He's the best leader, Parrish. I'm telling you now and maybe soon or later, you'll find out..." nagbigay pa siya ng suspense kung puwede namang sabihin nalang.

"Sino yung nasa likod mo?" tanong niya nang makita siguro si Brandean sa likod ko.

"Brandean Castro. For sure you know him," I introduced him proudly.

Lumiit ang ngiti ni Ryu at pinakita ko kay Brandean ang screen.

"Greet him!" sabi ko rito.

Ngunit katulad ni Ryu, alangan na rin ang tingin ni Brandean at parang biglang naging suplado ito. Tipid lang na ngumiti si Brandean at lumayo na rin nang bahagya. Nagtaka ako sa kinilos niya.

"He got amnesia, Parrish. Kaya hindi niya ako maalala. Si Eli nga hindi niya naalala, ako pa?" pahabol ni Brandean na parang galit na nagpapaliwanag.

"What's your problem? Tss..." iringit ko.

Hinarap ko na ulit si Ryu na nakayuko na ngayon. Nagpaalam na rin siya kalaunan para raw ihanda ang dinner niya. Or maybe that was just an excuse to escape himself from something...

"Sungit mo kay Ryu. Wala namang ginagawa sa'yo yung tao!" saway ko rito nang tinapos ang tawag kay Ryu.

He sighed. "I don't know. I understand his situation but Eli's in the darkest depths of despair until now after what happened. Kaya hindi ko siguro naiwasan ang maging cold. I'm sorry..."

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now